Sunday, May 5, 2013

Nominasyon sa TCC bukas na

Tatanggap na bukas ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng mga nominasyon para sa mga interesadong sumali sa 2013 1St. Leg Triple Crown Championship na gaganapin sa Mayo 18 sa bakuran ng Metro Manila Turd Club sa Malvar, Batangas.



Inaasahan na kabilang sa mga lalahok sa unang yugto ng Triple Crown Championship series ang mga 3 year old local horses na sina Be Humble, El Libertador, Cat’s Silver, Alta’s Finest, Hot and Spicy, Balbonic, Azimuth, Spinning Ridge, Pantukan, Five Star, Boss Jaden, Captain Ball, Big Leb, Haring Benedict, Senior Vito, Balatkayo at Mrs.Teapot.


Posible din sumali ang Sharpshooter na lubhang nakitaan ng husay sa huling takbo nito matapos pakainin ng alikabok si Alta’s Finest sa nabanggit na karerahan.


Kinumpirma naman ng kampo ni Eduardo E. Gonzalez sa 1st leg ng TCC.


Ang mga kalahok ay tatawid sa 1,600 meters na may naghihintay na premyo na P1.8 milyon pra sa mananalo habang P675,000 sa 2nd placer, P375,000 sa rd placer at P150,000 sa 4th placer.


Kabilang naman sa magkakaroon ng nominasyon ang Hopeful Stakes race na gaganapin sa Mayo 18 na paglalabanan ng mga hindi papalarinm na makasali sa Triple Crown.


Tatawid din sa distansiyang 1,600 meters ang mga kalahok, habang may nakalaang premyong P.6 milyon sa mananalo at P225,000 sa 2nd placer, P125,000 sa 3rd placer at P50,000 sa 4th placer.


Umaasa naman ang Metro Turf Club na mag-aakyat ng malaking benta sa takilya ang dalawang malaking pakarerang ihahanay sa Mayo 18 sa magandang karerahan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/nominasyon-sa-tcc-bukas-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment