Ni Mercy Lejarde
PARANG gusto na naming mag-second childhood nang um-attend kami ng children’s party sa press launch ng Tropang Kulit ng TV5 na airing on May 11, Saturday, at 7:00 PM.
Naglipana kasi ang mga bagets na bumubuo sa 35 na kasali sa Tropang Kulit na pawang mga hyper at lahat gustong ipakita sa amin ang kanilang talents. May tumugtog ng violin, may kumanta, may tumula, may nagsayaw ng Teach Me How to Dougie at ‘yung isang batang babae ay sinayaw naman ng Teach Me How to Burles. Yes, may ganoon palang tugtog ngayon na alam na alam ng karamihan sa bagets na naroon sa press lauch!
Si Gelli de Belen ang host ng Tropang Kulit at mukha namang mahaba ang pasensiya niya sa makukulit na bagets.
Matatandaan na orig na cast member kasi si Gelli ng Tropang Trumpo noon kaya sanay na siya sa kulitan. Ibabahagi raw niya sa 35 Tropang Kulit na bagets ang husay niya sa comedic timing, kung kinakailangan.
May nagbiro nga kay Gelli na tipong siya naman ang counterpart ni Dagul sa Goin’ Bulilit na ikinatawa lang niya.
Ilan sa aabangang segment sa Tropang Kulit ang Peace to Peace, Kidliit Eh, Tanongers-Sagoters, Itanong kay Butch, Idolo Ko Sikat, Instacook, Payong Maliit, Detective Ed, at Ano ‘To.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/gellie-dagul-ng-tropang-liit/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment