Ni Ina Hernando Malipot/ Manila Bulletin
Upang matiyak na mas maraming estudyante ang makapag-aaral sa pagsisimula ng klase sa Hunyo, itinaas ng Department of Education (DepEd) ng 24 porsiyento ang bilang ng mga mag-aaral ng Grade 7 sa pribadong paaralan na maaaring makinabang sa tuition fee subsidy sa ilalim ng education service contracting scheme (ESC).
Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, mula sa 250,896 slot noong school year 2012-2013, itinaas na sa 310,709 ang ESC slot para sa mga estudyante ng Grade sa school year 2013-2014.
Paliwanag ni Luistro, ang ESC, sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private
Education (GASTPE), ang programa ng gobyerno na sumasagot sa matrikula ng mga estudyante sa mga pribadong eskuwelahan na hindi na sila makapagenroll sa mga pampublikong paaralan dahil sa sobrang dami ng mag-aaral.
Ang ESC ay ipinatutupad ng DepEd at ng Fund for Assistance to Private Education (FAPE).
Ang tuition subsidy sa ilalim ng ESC ay P6,500 para sa bawat mag-aaral sa mga kaakibat na pribadong paaralan sa labas ng National Capital Region, at P10,000 sa bawat estudyante sa mga pribadong paaralan na sakop ng NCR.
Ang DepEd at FAPE ang tutukoy kung sa aling pribadong eskuwelahan makakapag-enroll ang mga Grade 7 student sa ilalim ng ESC.
Base sa DepEd Memo No. 65 Series of 2013, ang kabuuang bilang ng Grade 7 slot ang kumakatawan sa dami ng grantee noong nakaraang school year, bukod pa sa karagdagang slot sa mga pampublikong paaralan na malala ang siksikan ng mga estudyante.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/govt-subsidy-sa-grade-7-student-sa-pribadong-paaralan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment