Tuesday, April 2, 2013

Campaign materials, naglipana sa Cavite

Ni Anthony Giron/Manila Bulletin


Kaya kayang sitahin ang mga kandidatong may naglipanang illegal campaign materials sa Cavite?


Ito ang tanong ng maraming CaviteƱo matapos magsulputan na parang kabute ang mga campaign material sa 40-kilometrong Aguinaldo Highway at iba pang lansangan sa lalawigan noong Linggo, ikalawang araw ng kampanya ng mga lokal na kandidato.



Mistula ring walang patid ang pag-iikot ng mga campaign vehicle ng mga kandidato na may nakabibinging public address system.


Noon pa mang Pasko ay naglipana na ang mga “Epal” poster ng mga naghahangad ng posisyon sa halalan sa Mayo 13.


Ayon sa mga residente, malaking hamon sa awtoridad — partikular sa Commission on Elections (Comelec) — sa pagpapatigil sa lantarang pagkakabit ng mga illegal campaign material sa lalawigan, na maging ang mga pulis ay inutil sa pagsita sa mga lumalabag sa Election Law.


Itinuturing na “lalawigan ng matatapang,” ang Cavite ay itinuturing din na political hot spot sa nakalipas na mga dekada.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/campaign-materials-naglipana-sa-cavite/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment