Binanggit natin kahapon na kailangang simulan ang bawat umaga na may isang bagong misyon na ituring isang oportunidad ang bawat tungkulin na gawin o tuparin sa kakaibang paraan.
Ngunit mahirap itong gawin kung hindi muna natin lilinangin ang diwa ng matalinong pagpili ng tamang pamamaraan na imposible namang mangyari nang hindi natin hinaharap ang tunay na katunggali ng ating pag-unlad – ang pangamba na magbago ng pamamaraan sa paggawa o pagtupad ng ating mga tungkulin.
Sige, palitan mo na ang luma mong sepilyo upang epektibo mong malinis ang iyong ngipin at bibig. Pero hindi ka dapat huminto roon. Subukan mo namang palitan ang punda, kumot. Subukan mo naman ng ibang style ng iyong gupit. Panoorin mo naman ang ibang palabas sa TV. Magbago ka ng ruta papasok sa iyong trabaho. Marami kang puwedeng gawin na lihis sa iyong nakagawian.
Siyempre, hindi ka mauubusan ng mga bagay na puwede mong baguhin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Basta huwag mong husgahan ang iyong mga pagbabago. Hindi ka naman gagawa ng mga desisyon na makaaapekto ng iyong pamumuhay, natututo ka lamang na makita na may iba pang paraan at dito nagsisimula ang pagbabago. Natutuo kang mag-eksperimento.
Saan ba mauuwi ang mga pagbabagong gagawin mo? Sana sa isang bagay na makapagbibigay sa iyo ng bagong pananaw sa buhay.
Tandaan: Ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa pagsuko mo ng iyong ari-arian o yaman para tumira sa isang barung-barong. Ito ay nagsisimula sa isang waring walang halagang pagkilos na hindi ginagamitan ng pag-isip para gumawa sa kakaibang paraan.
Sige, palitan mo na ang sepilyo mo. Magpaalam ka na sa nakaugalian mong gawin at tanggapin ang pagbabago.
Related Posts:
- KAPAG NASANAY NA SA NAKAUGALIAN
- AYAW MO SA MGA PAGBABAGO
- KUNG GUSTO MO NG PAGBABAGO
- HULASCOPE – December 12, 2011
- ANG BABAGUHIN SA BAGONG TAON
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/katunggali-ng-ating-pag-unlad/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment