Sa dalawang-araw na workshop sa Association of Southeast Asian Nations Convention on Trafficking in Persons (ACTIP), na pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), nabatid na ang Pilipinas ang source country ng human trafficking.
Ito rin ang destinasyon at transit country ng mga biktima ng trafficking, partikular sa puwersahang prostitusyon at sapilitang pagtatrabaho.
Gayundin, ang mga nabibiktima ay mula sa mahihirap na pamilya sa lalawigan, sa gitna at katimugang bahagi ng Pilipinas, na karaniwang dinadala sa Metro Manila at Cebu. Ilan din sa mga biktima ang ibinibiyahe sa Mindanao.
Ang workshop ay bilang suporta sa mga pandaigdigan at rehiyonal na pagsisikap na masawata ang trafficking in persons (TIPs). Bumuo ito ng regional plan of action laban sa TIPs.
Nangako rin ito ng pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN upang maiwasan at masawata ang TIPs sa rehiyon, partikular na tututukan ang kababaihan, mga bata, mahihirap at mga katutubo; poprotektahan at aayudahan ang mga biktima ng human trafficking; at titiyakin ang karampatang parusa ng traffickers.
Ang panukalang action plan, na alinsunod sa mga layunin ng United Nations Global Plan of Action to Combat TIPs, ay nagdedetalye sa mga tinukoy na lugar na dapat gawing prioridad upang maiwasan ang TIPs; pagbibigay ng proteksiyon sa mga biktima; maigting na pagpapatupad ng batas, prosekusyon at paglilitis; pagpapakulong; at epektibong pagtutulungan sa ASEAN at sa mundo. – Czarina Nicole O. Ong
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/human-trafficking-sa-pinas-talamak/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment