Muling isinalba ni Nate Robinson ang Chicago Bulls mula sa balag ng alanganin.
Umiskor si Robinson ng 34 puntos, at binura ng Chicago ang 14 puntos na pagkukulang sa regulation upang talunin ang Brooklyn Nets, 142-134, sa triple overtime kahapon upang kunin ang 3-1 abante sa kanilang first round playoff series.
Naghahabol sa 95-109 ang Bulls sa huling bahagi ng minuto sa ikaapat na quarter nang muling buhatin ni Robinson sa mga balikat ang kanyang koponan.
“I always think I’m on fire, kind of like the old school game NBA Jam,“ aniya. “You make a couple in a row, the rim’s on fire. You shoot the ball, the ball’s on fire. I feel like that at times -all the time. Whenever I’m in the game, I just play with a lot of confidence. You kind of have to lie to yourself and feel like you can’t miss.“
Naisalansan ni Robinson ang lahat maliban ang lima niyang puntos matapos ang ikatlong yugto, kabilang ang kanyang unang 12 sa isang 14-0 run na binura ang kalamangan ng Brooklyn. At sa huling 2 segundo ng unang overtime, naibuslo niya ang go-ahead jumper sa harapan ni Deron Williams.
Sinagot ito ni Joe Johnson para itabla ang iskor sa 121 sa isa pang overtime. Nagkaroon ang Bulls ng tsansang selyuhan ang laban sa mga huling segundo sa ikalawang extension, ngunt nablangka si Joakim Noah at napunta ang laro sa ikatlong overtime.
Tuluyang nakalayo ang Bulls matapos ang layup ni Williams (32 puntos) para sa 133130 iskor, tatlong minuto pa ang natitira sa orasan. Sumunod na nakaiskor si Luol Deng at dalawang basket ang nagawa ni Nazr Mohammed sa huling 32 segundo upang mapreserba ang panalo.
Susubukan ng Bulls na tapusin ang serye sa Brooklyn bukas.
Lamang ang Brooklyn ng 14 puntos matapos ang dunk ni Gerald Wallace sa nalalabing 3:45 ng fourth period. Naibaon naman ni Robinson ang isang tres sa huling 2:53 upang umpisahan ang paghahabol ng Bulls. Lumamang ang Bulls sa likod ng layup ni Carlos Boozer sa nalalabing 55 segundo.
Muling lumamang ang Nets sa laro mula sa free throws ni Brook Lopez, ngunit muli itong naitabla ng Bulls sa putback ni Noah mula sa sariling mintis. Sumala ang jumper ni Williams, at nasapal naman ang layup ni Wallace ni Jimmy Butler upang dalhin ang laro sa unang overtime.
“We made a lot of mistakes up 14,“ sinabi ni Williams. “It was so long ago, I can’t remember what all went on. We had the missed dunk. Missed free throws. I fouled Nate on the 3. We made a lot of mistakes in the fourth quarter.“
Muntik nang hindi makapaglaro sa second half at mga overtime si Robinson.
Nagkainisan si Robinson at Watson sa ikalawang quarter dahilan upang magtulakan na umabot pa sa scorer’s table, ngunit nagdesisyon ang referee na `wag silang patawan ng ejection.
Kapwa sila tinawagan ng technical foul at si Robinson, binabantayan si Watson, ay nakapulot ng isang personal foul.
“I tease Coach (Tom Thibodeau) a lot because it seems like every shot I shoot he’s mad,“ lahad ni Robinson na tumatawa. “At the same time, it’s basketball. He does a great job of putting us in position to be successful.“
Nakakuha rin ng malaking laro ang Bulls mula kay Kirk Hinrich, nagtapos na may 18 puntos at 14 assists. Umiskor si Boozer ng 21, nagdagdag si Jimmy Butler ng 16, at nagambag si Noah ng 15 puntos at 13 rebounds.
Resulta ng ibang laro:
Atlanta Hawks 90, Indiana Pacers 69
Memphis Grizzlies 104, LA Clippers 83
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/bulls-isang-panalo-na-lang/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment