MAY nakapagsabi: Lahat nag iisip na babaguhin nila ang mundo ngunit walang nag-iisip na baguhin ang kanilang sarili.
May nakapagsabi rin na kailangang palitan mo na ang iyong sepilyo tuwing anim na buwan. May nagsabi na tatlong buwan. May nagsabi na kapag nagsimula nang kumulot ang mga bristle ng sepilyo, iyon ang tamang panahon upang palitan iyon upang maging epektibo ang iyong paglilinis ng ngipin. Hindi ako expert sa oral hygene pero napatunayan kong epektibo ang alinman sa mga nabanggit na edad ng sepilyo.
Ang lahat may memorya. Minsan, mainam ang naaalala mong lahat ng dapat gawin tulad ng pagkain ng gulay at prutas at huwag puro karne at baboy, tulad din ng pag-iwas mong mapaso ng mainit na kawali kapag nagluluto ka. At dahil kumikilos ka na bunga ng mga memorya, hindi mo na halos iniisip ang iyong ikinikilos; at minsan naitutulak kang gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto.
Sapagkat sanay na tayong ginagawa ang isang tungkulin halos araw-araw, nawawalan ng kabuluhan ang ating ikinikilos, nauubos ang ating lakas at layunin.
At kung naghahanap tayo ng masiglang pagkilos sa ating buhay, kailangang putulin na natin ang mga nakaugaliang hindi na halos ginagamitan ng pag-iisip. Kailangan nating palitan ang ating sepilyo paminsan-minsan. Tulad ito ng paborito nating maong na pantalon na pagkatapos ng ilang araw na paggamit, ang ating mga gawi ay kailangang sabunin, banlawan, at patuyuin sa tindi ng sikat ng araw upang magmukhang bago.
Ito ang pagsisimula ng bawat umaga na may isang bagong misyon na ituring isang oportunidad ang bawat tungkulin na gawin o tuparin sa kakaibang paraan at hindi sa paraang nakasanayan na.
(Sundan bukas)
Related Posts:
- PASIGLAHIN ANG IYONG PAG-IISIP
- GAWIN KUNG ANO ANG HILIG
- ISAISIP LAGI ANG INAASINTANG WAKAS
- ISUSUKO MO BA ANG PERA?
- MAY LAKAS KA PA BA?
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/kapag-nasanay-na-sa-nakaugalian/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment