Hiniling ng mga magulang na regular na sumasali sa Laro’t Saya (Play And Learn) ng Philippine Sports Commission (PSC) na palawigin ng ahensiya ang pagtuturo sa napili nitong isport partikular na ngayong panahon ng bakasyon upang makapagbigay-saya sa mga kabataan habang namamasyal sa Luneta Park.
Isa sa nagpahayag ng pagkatuwa sa programa ang dating Overseas Filipino Worker na si Alipio Encarnacion, kasama ang tatlong anak na sina Analyn, Dolly at Jasper, na matapos magsimba sa LInggo ng pagkabuhay ay agad na isinama ang pamilya sa Burnham Green upang makisaya at maturuan ng badminton at volleyball ang mga anak.
“It is a good program. Hopefully, it continues until summer and also every Saturday and Sunday para mapupuntahan ng mga bata dahil bakasyon. Natututo sila ng iba’tibang isport nang libre at hindi na magbabayad pa,” sabi ng taga-Cavite na si Ginoong Encarnacion.
Umabot naman sa kabuuang 204 ang nagpalista sa walong sports na itinuturo at nilalaro sa pakikipagtulungan ng National Parks development Commission na binubuo ng Aerobics (56), Arnis (31), Badminton (22), Chess (11), Football (57), Karatedo (12), Taekwondo (15) at Volleyball (30).
Pinag-aaralan naman ni PSC Laro’t-Saya project director Dr. Larry Domingo ang kahilingan ng mga magulang na maisagawa ang programa tuwing Sabado at Linggo kung saan kakausapin muna nito si PSC Chairman Richie Garcia kung papaya sa kahilingan ng mga magulang.
“Marami kasing pamilya na namamasyal dito tuwing weekend and sila ang madalas na sumasali. They notice na walang activity dito sa Burnham Green every Saturday kaya hinihiling nila na sana ay magturo din sa Sabado. Depende pa iyan kay Chairman kung papaya,“ sabi ni Domingo.
Ilang isport na hindi kasali sa programa ng PSC tulad ng SepakTakraw at Wushu ang nakihalo sa aktibidad na ginagawa sa bakanteng lote sa Luneta Park.
Kasama din na namamahala sa PSC Laro’t Saya sina Fred Joves, Norberto “Boy“ Dinglasan, Warren Gabriel, Alex Kiram, Jeff Reyes, Daniel Galarpez, Bert Mulato, Sherwin Tan, Arnold Cuento at Chona Quinto. – Angie Oredo
Related Posts:
- Laro’t Saya: rugby football, idadagdag
- PSC Laro’t Saya, mabilis lumalawak
- Volleyball, hit sa Laro’t Saya
- Programa ng PSC na Laro’t Saya, hangad kopyahin ng…
- Dance Sports sa Laro’t-Saya
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/play-and-learn-nais-palawigin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment