KALAT na ang paglipat ni Lovi Poe sa TV5 at kahit hinaharang ng GMA-7 ang pag-alis ng aktres ay hindi na raw magbabago ang isip ng manager niyang si Leo Dominguez.
Sinubukan naming i-text ang manager ni Lovi kahapon, pero hindi kami sinasagot, at sitsit ng taga-Siyete ay naninimbang pa raw kasi si Leo sa mga bagong offer ng GMA.
Tinext naman namin ang taga-TV5 at ang sabi sa amin, “Naririnig namin siyempre lahat ng bali-balita, sino ba naman ang hindi mai-excite sa thought na baka makatrabaho namin siya, di ba?”
So, 50-50 pa pala kung matutuloy si Lovi sa TV5? At kung sakaling natuloy ang paglipat niya, siya kaya ang magiging kapalit ni Alex Gonzaga na bumalik na sa ABS-CBN?
Bagamat hindi naman magka-level sina Alex at Lovi, hindi maiaalis sa isipan ng showbiz observers na kaya hinarang ng isang lady executive ng Singko ang projects (serye) ng una ay para ibigay sa alaga ni Leo.
Samantala, hindi kaya manghinayang ang top TV executive ng ABS-CBN na matagal nang gustong makatrabaho si Lovi? Ano’ng nangyari at naunahan sila ng Singko?
“Marami ng artista sa ABS-CBN, unahin na lang nilang bigyan ‘yung mga walang trabahong artista sa Star Magic, kawawa naman,” say ng mga katoto.
Oo nga naman. –Reggee Bonoan
Related Posts:
- Lovi Poe, lilipat sa Dos
- Lovi, paiwas ang sagot nang tanungin kung masaya sa GMA
- ‘Party Pilipinas’ nanganganib masuspinde dahil…
- ‘Di mukhang aswang si Lovi
- Jericho, nawiwili kay Lovi Poe
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/lovi-makikinabang-sa-projects-na-hinarang-kay-alex-gonzaga/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment