Tuesday, April 2, 2013

Makabagong teknolohiya, gagamitin ng Bomberinas

Ni Angie Oredo


Isasailalim sa isang siyentipikong programa na ibinatay sa makabagong teknolohiya sa isport na tutulungang din ng makabagong medisina at mga pag-aaral na nakabase sa modernong siyensiya ang napili na kabuuang 33 kandidato sa national women’s volleyball team ngayon sa Old Planning Room ng Philippine Sports Commission (PSC).



Sinabi ni Philippine Volleyball Federation (PVF) board member Virginia De Jesus, kasama ang Philippine Center for Sports Medicine, na kanilang isasakatuparan ang pinakabago at modernong programa na ginagamit ng mga powerhouse na bansa sa pagpili nito sa mga atleta at pagpapanatili dito sa pinakamahusay na kondisyon.


“I think first time ito na gagawin ng PCSM dito sa atin pero matagal na itong ginagamit ng ibang bansa sa pagpili at pagdidiskubre nila ng kanilang mga atleta at pagpapanatili sa kanila na laging handa at laban at kundisyon,” sabi pa ni De Jesus.


Idinagdag ni Dr. Raul Alcantara, Health and Fitness chief ng Medical Unit ng Bomberinas, na may itinakdang criteria para sa pagpipili at sa monitoring ng mga atletang nakasama sa binubuong dalawang grupo ng Bomberinas na siya naman susundin para mapanatili na nasa mataas na level ang mga miyembro ng koponan.


“Everything will be documented,’ sabi ni Alcantara. ”We hope to standardize the selection process. May program para sa selection at monitoring ng mga atleta hanggang sa kanilang training. Hindi lang basta nakuha na sila ay pababayaan na silang magsanay ng sarili nila,” sabi nito.


Maiiwasan naman base sa bagong paraan ng pagpili ng posibleng maging miyembro ng pambansang koponan ang pagiging bias o ang “bata-bata system” sa isang national sports association bunga ng siyentipikong pamamaraan para mapili ang mga batang may talento.


“Hanggang miyembro sila ng team ay kailangan na ma-maintain ang rating sa criteria at level of competitiveness dahil kapag bumaba sila sa rating ay makikita na nagpapabaya sila at puwede silang maalis sa team. Under the program ay mamomonitor na at any given time ay competitive sila, hindi nila pinapabayaan ang health, fitness and conditional level at puwede silang isabak agad sakaling may ma-injured na kakampi nila,” sabi ni Alcantara.


Sisimulan ang seminar sa ganap na alas-8 ng umaga kung saan ipapaliwanag sa sports seminar ni Ana Liza Tomas ang program overview bago ito susundan ni Alcantara ng paglilinaw sa criteria sa selection at monitoring ng miyembro na kandidato sa Philippine Bomberinas.


Sunod na magbibigay pag-aaral si Dr. Elena Pilar Villanueva hinggil sa importansiya ng medical examination bago si Dr. Shirley Ingaran hinggil sa tulong ng dental examination. Magpapaliwanag din si Dr. Alejandro Pineda ukol naman sa Anti-Doping bago si Ms. Karen Leslie Pineda hinggil sa Sports Nutrition.


Lilinawin ni Josephine Joy Reyes ang kahalagahan ng Sports Physiology habang ituturo ni Erlando James Abilo ang tulong ng Sports Strength and Conditioning. Nakatakda din magbigay ng kanyang remarks si PSC Commissioner Iggy Clavecilla bago ang summary ni Bomberinas Head Coach Samuel Acaylar.


Ihahayag naman ni Dr. Ian Laurel ang buong medical and health plans sa koponan bago ang closing remarks.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/makabagong-teknolohiya-gagamitin-ng-bomberinas/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment