Ni Ador V. Saluta
SA aming pagbisita sa Studio 3 ng ABS-CBN, studio ng It’s Showtime last Saturday, kinausap kami ng masayang-masayang associate producer ng show na si Mr. Harold Nueva.
Ang nakangiting sabi niya, “It’s Showtime is here to stay, sa same slot, 12:30 to 3:00 PM, mula Lunes hanggang Sabado.“
Dahil sa wakas, kahit maliit pa lang ang lamang, umakyat na sila sa pagiging No. 1 noontime show.
Noon kasing umugong ang balita na may nakausap daw si Willie Revillame na isang Kapamilya executive, na magsisilbing link daw para sa isa pang masinsinang pakikipag-usap ng TV host sa iba pang executives ng network, kahit papaano ay may tensiyong inantabayanan ang mga namamahala sa It’s Showtime.
Kaya nagdiwang ang lahat nang magbigay ng statement si ABS-CBN President Charo SantosConcio sa taunang stockholders meeting ng Kapamilya Network na hindi sila nakikipagnegosasyon at walang Willie Revillame na babalik sa Dos.
Pero kahit medyo kinabahan bago ang nasabing statement ni Ma’am Charo, `di natinag sa positibong approach ang team ng It’s Showtime na binubuo nina Mr. Railey Santiago (business unit head), Mr. Mark Rejano (executive producer).
“Napatunayan naman ng It’s Showtime na we’re good in ratings, lagi kaming number one sa ratings nowadays,“ sabi niya sa amin.
Ipinakita niya sa amin ang April 17 ratings, naririto: It’s Showtime, 15%, Eat Bulaga, 13% at Wowowillie, 3.5% at nasundan pa ito ng magandang ratings until last April 25 nang i-forward sa amin ni Ryan ang report ng corporate PR ng ABS-CBN ayon sa survey ng Kantar at TNS: It’s Showtime, 15.5% against EB, 15.3% at laging consistent ang lamang (kahit .2% lang).
Matagal silang nagtiyaga na hulihin ang kiliti ng noontime viewers, at sa wakas, lumamang na sila sa show na sinasabing mahirap banggain.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/its-showtime-no-1-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment