Umabot sa 6,212 magsasaka ang kasama sa pinal na listahan na benepisyaryo sa lupain ng Hacienda Luisita ang ipinalabas ng Department of Agrarian Reform sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform (CARPER).
Ayon kay DAR Secretary Virgilio Delos Reyes, ang pangalan ng mga benepisyaryo ay nakalista sa ipinakalat na mga tarpaulin sa 10 barangay sa Hacienda Luisita na sakop ng mga bayan ng Capas, La Paz at Concepcion sa Tarlac.
Ang naturang pinal na listahan ay ipinalabas base sa direktiba ng Korte Suprema na ang mga kuwalipikado ay dating magsasaka ng Hacienda Luisita Tarlac Development Corporation (TADECO).
Nabatid na sumailalim sa beneripikasyon ang mga benepisyaryo bago isinumite ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa Korte Suprema ang 6,296 pangalan ng mga magsasaka na lumahok sa 1989 stock distribution proceeding.
Inihayag din sa nasabing petsa ang provisional list ng benepisyaryo na naglalaman ng 1,218 karagdagang magsasaka na kailangan isinumite matapos maberipika na sila ay manggagawa sa Hacienda Luisita noong 1989.
Nagbigay ng palugit hanggang Dec. 1,2012 para maghain ng petisyon para sa exclusion ang mga nasa provisional list at pinagsumite ng katibayan na sila ay trabahador sa hacienda noong 1989. – Jun Fabon
Related Posts:
- Mga magsasaka sa Hacienda Luisita, inihahanda sa pagtanggap…
- Magpepetisyon sa Luisita, hanggang katapusan
- Benepisyaryo ng Luisita, kailan tutukuyin?
- Kuwalipikadong benepisyaryo ng Luisita, tutukuyin
- Petisyon ng Luisita farmers, tatanggapin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/6212-farmer-beneficiaries-sa-luisita/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment