Ni Reggee Bonoan
NAKAKUHA kami ng insider’s details tungkol sa biglaang pagkawala ni Alex Santos sa Umagang Kayganda o UKG at totoong nag-resign na siya dahil kailangan niyang gawin iyon.
“He was forced to resign,” sabi ng aming espiya.
Siyempre nagulat kami dahil ‘pag sinabing ‘forced to resign’, ibig sabihin ay may naging pagkakamali sa trabaho niya.
“Matagal na siyang nag-resign effective December 31, 2012 pa, ngayon mo lang nalaman?” kuwento ng source. “Hindi na lang gaanong pinag-usapan. May nai-report kasi siyang batang kidnap victim, eh, na-rescue na, hindi niya na-report agad. Kung baga, in-embargo niya ‘yung istorya.
“May mga nag-follow-up na, pero sinabi na na-rescue naman agad, eh, hindi kaagad nasabi ni Alex, so mali kasing news ‘yun. Nagkaroon ng imbestigasyon at ‘yun nga, forced to resign siya.
“Kung ako naman, sana umapela na lang siya, tinanggap niya ‘yung mali. Eh, nasaktan siya kaya tinuluyan din niya.
“What I heard is inaapela yata niya ‘yung sa radio program niya sa DZMM, hindi ko lang alam kung pinayagan siya.”
Inamin ng aming espiya na maraming kasamahan si Alex sa ABS-CBN News and Current Affairs department na nanghinayang din pero may mga hindi rin pabor sa ginawa niya.
“Siyempre, may mga taong hindi rin siya gusto, may mga nakakabanggaan din siya sa News, eh, hindi naman lahat kaibigan niya,” sabi pa sa amin.
“Ang nakakapanghinayang lang, may name na siya, Alex Santos na siya, bakit kailangan pa niyang i-sensationalize ang report niya?” dagdag sabi pa sa amin.
Nag-umpisa ang career ni Alex bilang anchor at field reporter sa TV Patrol Southern Mindanao noong 1993 hanggang 1996.
Inilipat siya bilang news editor para sa regional stations ng ABS-CBN’s Sarimanok News Network hanggang 2006 at nang taon din iyon ay isinama na siya sa TV Patrol Weekend kasama si Bernadette Sembrano at naging maganda ang tandem nila kaya naging magkasama rin sila sa UKG.
Napasama rin siya sa XXX at Kumikitang Kabuhayan noon.
Actually, Bossing DMB, madali naming nagmarka sa amin si Alex na naging endorser din ng isang credit card na may malaking billboard sa EDSA, kaya hindi namin siya makakalimutan dahil may itsura.
To date ay nag-apply daw si Alex sa cable channel na Solar News, at ang balik-tanong namin sa aming kausap ay, ‘May nanonood ba do’n?’
Related Posts:
- Alex Santos, nag-resign na
- News reporter, kulang sa pansin
- Aktres, mahilig magpapak ng litson
- Co-host ni Willie, aalis
- Alex, IC tatanggalin sa ‘Juicy’
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/alex-santos-puwersahan-ang-resignation/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment