Malaking problemang personal ang pinaniniwalaang nag-udyok sa isang mataas na opisyal ng Citimotors na tapusin ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon buhat sa ika-10 palapag ng tinutuluyang condominium sa Makati City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot ang biktima na si Cesar Jenato, 40, vice-president for Finance ng naturang car distributor company, matapos tumalon mula sa 10th floor ng Le Triomphe condominium na nasa H.V. Dela Costa Street, Salcedo Village ng nasabing lungsod.
Sa isinagawang imbestigasyon, unang bumagsak ang biktima sa canopy o bakal na bubungan sa pagitan ng pangalawa at pangtalong palapag ng naturang condominium saka tuluyang bumagsak sa baldosa na agad ikinamatay nito.
Inalis ng pulisya ang posibleng pagkakaroon ng foul play sa insidente matapos kumpirmahin ng pamilya ng biktima na may matinding problema.
Nabatid na inutusan ng pamilya ang driver ng biktima na si Mark Anthony Assen na bantayan ang kanyang amo nang kakitaan ng bakas ng matinding lungkot sa mukha ni Cesar.
Sa pahayag ni Assen sa pulisya, sinamahan pa nito ang kanyang among si Jenato na magpunta sa simbahan bago umuwi ng Miyerkules ng gabi sa kanyang unit.
Narekober ng awtoridad sa loob ng unit ang sinasabing sulat kamay ng biktima na nagbilin pa sa kanyang pamilya na isailalim sa cremation ang kanyang labi. – Bella Gamotea
Related Posts:
- Belgian, nabiktima ng ‘Ativan’ gang
- Estudyanteng sawi, tumalon sa gusali
- Magandang dentista pinaslang sa klinika
- Amerikano, na-overdose sa Viagra?
- Nurse, nagpatiwakal
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/car-executive-tumalon-sa-condo/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment