Hinamon ng dalawang pinatalsik na opisyal ng Philippine Volleyball Federation na magbitiw sa puwesto ang lahat ng nakaupo sa board upang mabigyan ng pagkakataon na malinis at maisaayos ang direksiyon ng pambansang asosasyon.
Ito ay matapos na ibulgar nina PVF secretary general Evangeline De Jesus at PRO Dr. Adrian Laurel ang ilang maseselang isyu sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate noong Martes na kinabibilangan ng mga matataas na opisyal ng asosasyon sa volleyball.
“If we all wanted the sports of volleyball to succeed, we challenged the entire PVF Board to resign, including us,” sinabi ni Laurel.
“Call for a general assembly and then let the entire member of the association to vote for the new leader of the association,” giit pa ni Laurel.
Una nang inihayag ni Laurel ang magaganap na ouster move sa kasalukuyang pangulo ng PVF na si Gener Dungo na binansagan ng dalawang opisyal na hindi naging mabuting lider at walang naitulong upang mapalaki at mas mapalawak ang isport na volleyball.
“In a month’s time, we will see what the volleyball community wants,” sinabi ni Laurel.
Inihayag din nina Laurel at De Jesus ang ilang kaduda-dudang isyu sa loob ng asosasyon kung saan ay nagkautang ang PVF kay Dungo ng kabuuang P7 milyong matapos na isagawa ang Asian Men’s Volleyball Championships sa bansa.
“We don’t know that the PVF made a loan for the hosting of that tournament. Nagulat na lang kami dahil may utang pa pala ang asosasyon sa kanya (Dungo) at dalawang iba pang opisyal,” dagdag ni Laurel.
Sina Laurel at De Jesus ay inalis sa PVF sa isinagawang pulong sa Pangasinan matapos buuin ang national team committee na nagsagawa ng serye ng try-out para makabuo ng isang national women’s team na asam na maisali sa gaganaping Myanmar Southeast Asian Games.
“There is going to be an ouster letter (against Dungo) and more important, we will have it signed by the major stakeholders who really love the sport,” layon pa ni Laurel.
Inihayag din nina Laurel at De Jesus ang ilang kuwestiyonableng desisyon ni Dungo na hindi dumaan sa PVF Board na tulad sa pagpadala sa Taraflex flooring sa Cebu, pagbubukas ng isang bank account at pagdedeklara sa Cebu bilang volleyball capital ng Pilipinas.
Pinilit ng Balita na kunan ng pahayag si Dungo ngunit ihahayag na lamang niya ang kanyang panig sa pagdalo rin sa nasabing forum. – Angie Oredo
Related Posts:
- Sinuspindeng 2 opisyal ng PVF, nagreklamo sa POC grievance…
- 2 opisyal ng PVF, sinibak
- Volleyball try-out, ipagpatuloy- PSC
- Volleyball team, target ang SEAG
- Fil-Ams, sasabak sa tryout
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/pvf-board-pinagbibitiw-sa-puwesto/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment