Wednesday, February 27, 2013

PHILIPPINE SABAH

Sa ginintuang pagkakataon na nakapanayam ko si Jamalul Kiram III, ang punong-abala na mismong nag-utos sa halos 100-300 Pilipino na pumalaot mula Sulu at kasalukuyang manindigan sa Lahad Datu Sabah (Malaysia), may sekreto siyang inilahad sa akin.



Ayon niya, sa ilalim ng isang pangulo, may mataas na opisyal ng Batasan Pambansa ang nakipagkita sa kanya, dala-dala ilang dokumento upang kumbinsihin lagdaan ng pamilya Kiram. Nakapaloob sa nasabing papeles ang hayagang pagpayag ng Kiram na wakasan ang kanilang hangaring habulin at sabay isuko na ang pagmamay-ari sa buong North Borneo (Sabah) kapalit ng nakakalulang halaga. Hindi man binanggit ni Jamalul Kiram III magkano ang suhol, subali’t sa kanilang pahaging na pananalita (andun ang kanyang may-bahay at pamangkin na babae) mula sa mataas na opisyal ng Batasan ay “Maari pa siya (Kiram) tumakbo kahit presidente pa”.


Sa aking pagkakaunawa ay bilyon-bilyong piso. Sa kaunting pagsasaliksik umaabot sa $1B dolyares ang alok ng Malaysia sa mga Kiram.


Bale ang opisyal ng Kongreso, na may patnugot din ng pangulo noon, ay nagmistulang mga ahente ng Malaysia upang ma-ambagan ng komisyon. Hindi ko makalimutan ang matalinhagang sagot ni Jamalul Kiram III, na “Kung janitor sana ang nag-alok sa kanya, ay baka pinirmahan niya ito. Subalit dahil si (Pangalan ng opisyal) ang nagkayag, tinaggihan niya”.


Karapat-dapat na manindigan ang sambayanang Pilipino para sa pagbawi ng Sabah sa harap ng binabaeng polisiya ng Pamahalaan sa isyu. Magka-isa tayo at suportahan ang tunay na laban sa Katimugang Mindanao — Sabah bawiin sa Malaysia — na ninong sa gerang moro-moro gamit ang MILF at pakulong Bangsamoro!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/philippine-sabah/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment