ROME (Reuters) – Sa Gammarelli, isang tahimik oak-panelled na tailor’s shop sa central Rome, sila ay inaasahang lumilikha na ng mararangyang vestments o kasuotan para sa bagong papa – sa small, medium at large sizes kayat sinuman ang mapili ay sakto ang sukat.
Ilan sa mga turistang napapadaan sa kanila patungo sa Pantheon, isa sa grandest ancient temples ng Rome, ay napapatingin sa shop sa 34 Via Santa Chiara. Ang mga lokal na alam na ito ang mananahi ng papa ay mas usisero.
Idinidikta ng tradisyon na mayroong tatlong bersiyon ng parehong vestments ang gagawin in advance para sa bagong papa, ano man ang kanyang sukat, halimbawa para kay Timothy Dolan, ang malaking Archbishop of New York, o sa maliit na si Cardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas.
Sa oras na lumabas ang puting usok sa mula sa Sistine Chapel, nagpapahiwatig na napili na ang papa, ang mga madre sa Vatican ay gagawa ng huling minutong pagbabago sa mga robe na pinakamalapit ang sukat bago lumabas ang bagong papa sa kanyang balkonahe para harapin ang mundo.
Sa loob ng shop, na may mga naka-framed na larawan ng mga dating papa – mga dating customer — ang mga staff ay inaatasang huwag magsalita sa reporters sa pagdagsa ng mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Rome.
Ang paglilihim na ito ay may kinalaman sa atensyon – hindi lahat ay ikinalulugod – na natanggap ng kasuotan ni Benedict sa kanyang halos walong taon bilang papa.
Ang kanyang pagkahilig na buhayin ang mga kasuotan na ilang dekada nang hindi nasisilayan at sa dami magagarbong sombrero ang nagtulak sa Wall Street Journal na magtanong “Does the Pope Wear Prada?” Tinawag siya ng Esquire magazine na “Accessorizer of the Year”, pinuri ang kanyang red leather loafers.
Ang pagsubaybay na ito kalaunan ay binatikos ng pahayagan ng Vatican na tinawag ang mga ganitong ulat na “frivolous”.
“The pope, in summary, does not wear Prada, but Christ,” sulat ng l’Osservatore Romano.
HINDI PRADA
Ang mga pulang loafer ni Benedict ay hindi Prada. Ang isang pares ay handmade ni Antonio Arellano sa isang maliit na cobbler’s shop sa makipot na daan sa likuran ng St. Peter’s Square kung saan tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga kustomer para magpapalit ng suwelas ng kanilang mga sapatos.
Mula sa designer stores sa kabilang panig ng Tiber, hindi pansinin ang puwesto ni Arellano, na amoy glue at hilera ng shoe polish, maliban sa katotohanang mabibilang niya si Benedict bilang loyal customer.
“When he was cardinal, he came in like any normal person to have his shoes mended,” sabi ni Arellano, isang Peruvian immigrant na nagkaroon ng shop sa Borgo Pio – ang Rome quarter na kapitbahay ng Vatican City – simula 1998.
Natuwa sa kanyang gawa, ang noo’y Cardinal Ratzinger ay umorder ng hand-made shoes mula kay Arellano.
Dahil nasa file na ang sukat ng papa — si Benedict ay size 42 – si Arellano, bihasang sapatero, ay nakagawa ng distinctive red loafers na isinuot niya nang ilagay niya si dating Pope John Paul II sa daan patungo sa kabanalan sa isang grand beatification ceremony sa 2011.
“When I saw the beatification – when you see your work – you feel great,” sinabi ni Arellano, nakatayo sa ilalim ng litrato niya na ipipresinta ang mga sapatos kay Benedict.
“He wears out the toe when he prays, so I repair them,” aniya. “I feel happy when I see my name that I have put there – wow, he really walks a lot – that’s my satisfaction.”
Sa pagreretiro ni Benedict sa isang monasteryo sa loob ng Vatican City, umaasa si Arellano na mananatili niya itong kustomer, kahit na hindi na personal na bumibisita ang papa.
“In the future, the new pope, let’s hope he will be my customer, if he is, hallelujah, another one. Working for him would be fantastic,” aniya.
Related Posts:
- Pope Benedict: Salamat sa inyo
- 22 bagong Catholic cardinal, hinirang
- Pope Benedict XVI: Pray for me and the next pope
- Cardinal Tagle, itinalaga ng Papa sa dalawang konseho sa…
- Tagle, maliit ang tsansa — Cruz
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/para-sa-bagong-papa-lahat-natahi-na-small-medium-large/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment