Ni Mary Ann Santiago
Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon sa gun ban exemption para sa security detail ng may 159 na opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibiduwal.
Nabatid na kabilang sa mga nabigyan ng gun ban exemption hanggang noong Pebrero 20 ang 16 na senador, 54 na kongresista, 14 na gobernador, 19 na iba pang opisyal ng gobyerno at 56 na pribadong indibiduwal.
Kabilang sa mga nabigyan ng exemption sina Senators Loren Legarda, Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Gregorio Honasan II, Pia Cayetano, Ferdinand Marcos Jr., Sergio Osmena III, Antonio Trillantes IV, at Teofisto Guingona III; dating pangulo at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, dating First Lady at incumbent Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, Sarangani Rep. Manny Pacquiao at asawang si Jinkee, at House Speaker Feliciano Belmonte.
Nagsimula ang gun ban noong Enero 13 at magtatapos sa Hunyo 12, isang buwan matapos ang eleksiyon sa Mayo 13.
Sa bisa ng gun ban, kanselado ang mga permit to carry gun at mga lisensiya ng mga gun owner at tanging ang mga unipormado at naka-duty na law enforcers ang pinapayagang magdala ng armas.
Exempted naman sa gun ban ang Bureau of Corrections, Bureau of Treasury, Department of Interior and Local Government, Office of the Vice President, at Department of National Defense.
Exempted din ang mga mahistrado ng Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals; at mga hukom ng Regional Trial Court at municipal/metropolitan/circuit trial court.
Related Posts:
- Senators, SC Associate Justices, pinagkalooban ng exemption…
- Listahan ng exempted sa election gun ban, inilabas ng…
- Sinu-sino sa gobyerno ang exempted sa election gun ban?
- Lumabag sa gun ban: 154
- Gun ban
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/gun-ban-exemption-sa-security-detail-ng-159-personalidad-ok/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment