Wednesday, February 27, 2013

Iya Villania, aalis sa ‘UKG’

MAGRE-REFORMAT pala ang Umagang Kayganda (UKG) pagkalipas ng limang taon. Nagsimula ang show noong Hunyo 25, 2007.


Original hosts ng UKG sina Edu Manzano, Pinky Webb, Donita Rose, Kim Atienza, Alex Santos, at Anthony Taberna samantalang segment hosts naman sina Bernadette Sembrano, Ogie Diaz, Winnie Cordero, Rica Peralejo, at Atom Araullo.



Tandang-tanda ko ito, Bossing DMB, dahil, di ba, sinulat ko na ‘Umagang Kaypangit’ ang show dahil ‘panget’ naman talaga ang pilot episode nila noon.


Bale ba ang nagbigay pala ng titulong Umagang Kayganda ay ang dating hepe ng News and Current Affairs ng ABS-CBN na si Ms Maria Ressa kaya nu’ng nagkita kami para sa isang interview ay tinanong niya kami kung hindi ba talaga kami nagandahan sa UKG. Ha-ha-ha, ang kulit lang.


Ang paliwanag noon ni Maria Ressa sa launching ng UKG, nagandahan siya sa awitin na may linyang, “Basta tayo magkasama, laging mayroong umagang kayganda.’


Curious tuloy kami kung ano ang magiging bagong titulo ng UKG, na catchy din.


Samantala, balitang mawawala na sa morning show si Iya Villania. Nauna nang nawala si Alex Santos, sino pa kaya ang isusunod?


Gusto na rin naming isulat ang feedback ng ilang viewers ng UKG na sana’y mag-mellow si Ms Winnie Cordero na hindi raw nakakatuwa ang pagiging hyper kapag nagre-report.


“Annoying ang dating, hindi siya nakakatuwang panoorin, nakakabingi. Di ba nakakaasar kapag ang aga-aga may nagbubunganga, ganu’n ang dating ni Winnie, bungagerang babae.”


Pero gusto naman namin ang balitaktakan nila ni Ariel Ureta sa segment nilang ‘Sabi ni Mister, Sabi ni Misis’. Well, kanya-kanyang opinyon ‘yan, eh, di ba, Bossing DMB. –Reggee Bonoan


(May punto ang viewers, Reggee. –DMB)





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/iya-villania-aalis-sa-ukg/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment