Wednesday, February 27, 2013

BINABATI NATIN ANG KANYANG KAMAHALAN, PANGULONG PARK GEUN-HYE SA KANYANG MAKASAYSAYANG INAGURASYON BILANG UNANG BABAE NA PANGULO NG REPUBLIC OF KOREA

Ang Kanyang Kamahalan, Pangulong Park Geun-hye, ay nanumpa sa tungkulin bilang ika-11 Pangulo ng Republic of Korea noong Pebrero 25, 2013. Si Pangulong Park ang unang babaeng nahalal na pangulo ng South Korea.



Sa kanyang talumpati, sinabi niya na tututukan ng kanyang administrasyon ang ekonomiy at ang expanded welfare, at tutugunan niya ang youth unemployment. Isusulong ang kanyang mga programa ng “economic democratization” pati na ang paglikha ng mga trabaho sa teknolohiya sa impormasyon at siyensiya, at isang bagong “creative economy” na kikilos nang higit pa sa tradisyunal na manufacturing base. Ipinangako niya ang mas patag na playing field at isang fair market kung saan mamamayagpag ang ang maliliit na negosyante. Hiniling niya sa North Korea na simulang tahakin ang daan tungko sa kapayapaan at pinagsasaluhang kaunlaran.


Sinundan ni Pangulong Park ang mga yapak ng kanyang ama, si Pangulong Park Chung-hee, na naging leader ng South Korea noong 1961 hanggang 1979. Tinupad ni Geun-hye ang kanyang tungkulin bilang de facto first lady matapos pumanaw ang kanyang ina noong 1974, kung kaya tinamo niya ang reputasyong ng pagiging matibay, mayumi, at mahusay. Naging Chairperson siya ng Grand National Party (GNP) noong 2004-2006 at noong 2011-2012 nang pinalitan ng GNP ang pangalan nito sa Saenuri Party (New Frontier Party). Nahalal siyia sa National Assembly noong 1998, nanungkulan ng limang sunud-sunod na parliamentary term hanggang 2012. Nahalal siyang Pangulo sa isang mahigpit na eleksiyon noong Disyembre 19, 2012, natamo ang 51.7 porsiyento ng mga boto.


Isinilang noong Pebrero 2, 1952 sa Samdeok-dong ng Jung-gu, Daegu, siya ang pinakamatandang anak ni dating Pangulong Park at Yuk Young-soo. Nagtapos siya sa Seongsim High School noong 1970, natamo ang bachelor’s degree sa electrical engineering mula sa Sogang University noong 1974, at nag-aral sa University of Grenoble sa France. Tinanggap niya ang mga honorary doctorate mula sa Chinese Culture University sa Taiwan noong 1987, Pukyong National University at Kaist noong 2008, at Sogang University noong 2010. Dalaga pa si Pangulong Park. Dalawa ang kanyang kapatid, ang lalaking si Park Ji-man at Seoyeong.


Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. CabaƱes, at mga Opisyal at Kawanihan ay bumabati sa Kanyang Kamahalan, Pangulong Park Geun-hye sa kanyang makasaysayang inagurasyon bialng unang babaeng Pangulo ng Republic of Korea. Hangad natin ang tagumpay ng lahat ng kanyang pagsisikap. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/binabati-natin-ang-kanyang-kamahalan-pangulong-park-geun-hye-sa-kanyang-makasaysayang-inagurasyon-bilang-unang-babae-na-pangulo-ng-republic-of-korea/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment