Ni Fer Taboy
Ang Danao City, na dating kilalang pagawaan ng masusay na paltik na baril, ay isa na sa pangunahing pinanggagalingan ng ilegal na droga matapos matuklasan ang malaking plantasyon ng marijuana na sinalakay ng Region Police Office 7 (RPO7) sa lalawigan ng Cebu.
Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang tunay na may-ari sa isang malaking plantasyon ng marijuana na nadiskubre ng pulisya sa isang liblib na Barangay Sebacan sa Cebu.
Umaabot sa 249 na puno ng marijuana ang binunot at sinunog ng pulisya mula sa nadiskubreng marijuana plantation.
Aksidenteng natuklasan ng pulisya ang naturang malaking plantasyon matapos ang nabigong pag-aresto sa isang nagngangalang Ireneo Lawas, na wanted sa kasong rape makaraang itong makatakas habang isinisilbi ng awtoridad ang warrant of arrest.
Pabalik na sa kampo ang mga pulis, ng nadiskbure nila ang isang plantasyon ng marijuana.
Agad umaksiyon ang mga pulis at ito ay pinagbubunot.
Walang caretaker na nagbabantay sa naturang plantasyon ng marijuana ng matuklasan ng pulisya.
Hindi tinukoy ng pulisya kung magkano ang halaga ng mga nasamsam na marijuana.
Related Posts:
- Marijuana plantation
- Nalugi sa mais, marijuana itinanim
- Nagbenta ng marijuana brownies, kakasuhan
- P56M ilegal na droga, sinunog
- P11M marijuana, sinunog ng PDEA
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/danao-paltik-noon-marijuana-ngayon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment