Wednesday, February 27, 2013

Hahalili kay Krzyzewski, malalaman na

(Reuters)– Sinabi ni Mike Krzyzewski kahapon na ang magiging kapalit niya bilang coach ng U.S. Olympic basketball team ay posibleng pangalanan sa kalagitnaan ng taon.


Itinanggi ng Duke University coach, sa kanyang panayam sa ESPN Radio, ang mga lumabas na ulat na siya ay mananatili sa koponan matapos ang pitong taong pagsisilbi na kinabibilangan ng dalawang medalyang ginto sa Olympics at isang World championship.



“My stance hasn’t changed,” pahayag ni Krzyzewski. “I’ve loved, loved, loved, and it’s been an honor being with the USA Basketball team. “And to coach the team and work with (chairman and president Jerry Colangelo) these seven years have been marvelous.”


Ayon kay Krzyzewski, iginiya ang Team USA sa magkasunod na panalo sa Olympic finals kontra Spain, ang kanyang kapalit ay maaaring italaga sa kalagitnaan ng 2013 bilang paghahanda para sa 2014 world championship sa Madrid.


Katulong si Colangelo, malaki ang naiambag ni Krzyzewski upang baguhin ang kapalaran ng US basketball matapos ang nakadidismayang ikaanim na pangpuwesto nito sa 2002 world championship sa Indianapolis at bronze medal sa 2004 Olympics sa Athens.


Patuloy naman ang pamamayagpag ni Krzyzewski sa collegiate basketball kung saan may kartadang 24-3, panalo-talo, ang Duke.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/hahalili-kay-krzyzewski-malalaman-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment