Thursday, February 28, 2013

Dubai: Federer, Djokovic, kapwa nagsipagwagi

DUBAI (Reuters) – Rumolyo sa magaan na mga panalo sina Roger Federer at Novak Djokovic sa ikalawang round ng Dubai Championships na nagpanatili sa top two players sa mundo upang makahirit ng showdown sa finals bukas.


Ang iba pang delikadong naghihintay ay sina Tomas Berdych at Juan Martin Del Potro na kapwa nahablot ang straight set wins, subalit ilan sa may 5,000 capacity crowd ang humuhula na muling magtatagpo ang dalawang matikas na manlalaro, ang winners ng 23 Grand Slam titles sa pagitan nila.



Dinispatsa ni Federer si Spain’s Marcel Granollers, 6-3, 6-4, habang inungusan ni Djokovic ang late stumble upang talunin ang isa pang Spaniard na si Roberto Bautista Agut, 6-1, 7-6.


Target ni Djokovic ang kanyang ika-15 sunod na panalo. Ang kanyang unbeaten streak ay nagsimula pa noong Oktubre habang si Agut ay nagkaroon ng isang tour final appearance kung saan ang Spaniard ay kinapos sa malalakas at galaw ng Serb.


Ang unang set ay inabot sa 23 minuto at hinadlangan ni Djokovic ang kalaban mula sa ikaapat na laro sa limang pagtatangka tungo sa 2-0 kalamangan sa second set.


Halos nakita nang tapos ang laban, subalit nakipagpalitan pa ng hataw si Agut, hinadlangan si Djokovic kung saan ay naisalba nito ang apat na match points upang dalhin ang set sa tiebreak, ngunit tila kinulang sa suwerte ang Spaniard na nagkamit ng double fault.


“It was not easy to finish the match he fought very hard and is great competitor,” pahayag ni Djokovic sa courtside interview.


“It was my fault I made some unforced errors that gave him the chance to come back.”


Makakatagpo ng 25-anyos si Italian Andreas Seppi sa quarterfinals habang makakaharap ni Federer si Nikolay Davydenko.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/dubai-federer-djokovic-kapwa-nagsipagwagi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment