Simula ngayon, Marso 1, magbabayad na ang mga airline passenger ng P50 kada bag sa serbisyo ng mga porter sa mga paliparan sa bansa na ipinatutupad ng Manila International Airport Authority (MAIA).
Sinabi ni Airport General Manager Jose Angel Honrado na lahat ng pasahero na mangangailangan ng serbisyo ng porter ay kailangang magbayad ng isang dolyar o P50 kada bag.
Iginiit naman ni Honrado na mananatiling libre ang paggamit ng push cart sa lahat ng NAIA terminal.
Ayon kay Honrado, ipinagkaloob ng MIAA Board of Directors ang kontrata sa H&K Porterage Services, isang propesyunal na service provider na nanalo sa public bidding na isinagawa noong Enero 25, 2013.
Paliwanag pa ng airport chief na dagdag kita para sa MIAA ang pagsasapribado ng serbisyo ng mga porter kung saan ang halagang malilikom ay maaaring magamit sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga pasilidad at serbisyo sa NAIA.
Ang mga porterage counter ay matatagpuan sa entrada ng mga terminal para sa mga papaalis na pasahero habang ang mga paparating na pasahero ay maaaring humiling ng porterage service sa mga counter malapit sa customs area ng arrival area. – Anjo Perez/ Manila Bulletin
Related Posts:
- Matinding trapik sa NAIA; agahan ang pagtungo sa airport…
- Terminal fee, isasama sa ticket
- Airport terminal fee, balik P550
- Early check-in sa NAIA
- Shoe inspection sa NAIA, ipinatigil
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/p50-porterage-service-sa-naia/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment