Wednesday, February 27, 2013

Relief goods ‘di iniipit – Dinky

Walang nagaganap na hoarding o pang-iipit sa relief goods na ipinamimigay sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao.


Ito ang naging paglilinaw kahapon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman kasunod na rin ng pagsugod ng mga nagpoprotestang biktima ng bagyong ‘Pablo’, kasama ng ilang militante, sa tanggapan ng DSWD Region 11 sa Davao Martes ng umaga.



Aniya, matagal nang nakahanda ang relief goods para sa mga biktima ng bagyong “Pablo” ngunit hindi sinunod ng lider ng grupong Barog Katawhan ang napagkasunduang magbibigay muna ng listahan ng mga apektadong residente na bibigyan ng tulong.


Sa katunayan aniya ay nakahanda nang ipamigay ang hinihinging 10,000 sako ng bigas ng Barog Katawhan ngunit kailangan nilang sumunod sa proseso tulad ng pagbibigay ng listahan ng bibigyan, paraan ng pagbibigay at iba pa upang hindi makuwestiyon ng Commission on Audit (COA).


Sinabi ng Kalihim na tanging ang lugar na pagdadausan lang aniya ng repacking ang naiprisinta ng naturang grupo.


“Ngayon 200,000-plus ang aming dinadalhan magmula po noong Disyembre at may listahan po kami ng mga taong iyan at saan po sila nakalagay. Noong January 15, hinarang po ng Barog Katwahan ang national highway at sinasabi nila na hindi daw po natatanggap ng tao ang goods.” – Rommel P. Tabbad





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/relief-goods-di-iniipit-%e2%80%93-dinky/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment