Sa kabila ng mga ilang aberyang nangyari, umabot sa P99 milyon ang naging benta ng Metro Manila Turf Club sa isang linggong pakarera sa Malvar, Batangas.
Kinumpirma ni Philippine Racing Commission (Philracom) Racing Director Commissioner Engr. Jesus Cantos na umabot sa P99M ang kinita ng Metro Turf sa 37 karerang isinagawa sa Malvar race track.
Ang apat na araw na karera mula Martes hanggang Sabado, umabot sa mahigit na P65 milyon ang naging benta ng naturang karerahan sa kabila na nadiskaril ng isang araw ang karera noong nakaraang Miyerkules.
Umabot sa P34 milyon ang kinita naman ng Mandaluyong City Day at dalawang pakarera ng Philracom na Leopoldo Prieto races.
Nakabawi ang MMTC sa isang araw na pagkansela ng karera noong Linggo sa dami ng mga kareristang sumuporta sa huling araw ng karera.
Kasabay ng nasabing pakarera, ginawaran ng pagkilala si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur“ Abalos Jr. ng Philracom habang tinanghal na Horse of the Year ang alaga nitong Hagdan Bato ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa 2012.
Kinilala din ng komisyon ang pagkakahirang kay jockey Jonathan Hernendez bilang Jockey of the Year ng PSA.
Related Posts:
- Umpisa ng pakarera sa Metro Turf Club sa Batangas, naudlot
- MMTC racing festival, bukas na
- Benta sa mga pakarera ng PRCI, bumaba ng P22-milyon
- Operasyon ng OTB, inaasahang uunlad
- Kasaysayan, imamarka sa MMTC opening
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/metro-turf-kumita-ng-p99m/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment