ISA na namang tagumpay ang nakamit ng Star Magic’s premiere balladeer na si Jed Madela na bibigyan ng parangal ng World Championships of Performing Arts (WCOPA). Tatanggapin ni Jed ang Achievement at Hall of Fame Award.
Taun-taon ay kinikilala ng WCOPA ang mga natatanging kontribusyon sa larangan ng pagtatanghal para mapabilang sa eksklusibong Performing Arts Hall of Fame. Mapapabilang si Jed sa hanay ng Hollywood stars na sina Jaclyn Smith, Liza Minelli, Dionne Warwick at Jennifer Holiday.
Nagsimulang Nagsimulang makilala si Jed noong 2005 nang tanghalin bilang unang Pinoy na nagwagi bilang Grand Champion Performer of the World ng WCOPA isang global event na kilala rin bilang “Talent Olympics“.
Tatanggapin ni Jed ang nasabing parangal sa ika19 ng Hulyo, sa live worldwide webcast ng ika17 na World Championships of Performing Arts sa Hollywood, California.
Samantala, ilulunsad ni Jed ang kanyang unang “double single“ album mula sa Star Records. Ang laman nito na Ikaw Na at Wish ay most requested songs na sa radio.
Lalo pang kikinang ang bituin para kay Jed ngayong taon dahil nakatakda ang kanyang 10th Anniversary Concert at magkakaroon din siya ng break na makapasok sa international music scene dahil sa kanyang All Originals album.
Related Posts:
- PMPC Star Awards for TV ngayong gabi sa Resort’s World
- Kapatid stars, big winners sa 9th Golden Screen Movie Awards
- Slash binigyan ng Hollywood star
- Jed Madela vs Christian Bautista
- Gretchen, Ai-Ai best actress sa Star Awards for TV
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/jed-madela-tatanggap-ng-achievement-at-hall-of-fame-award/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment