Wednesday, February 27, 2013

DoJ extradition team, papuntang Malaysia

Pinagkalooban ng P1,500 pre-departure expenses ang grupong binuo ng Department of Justice (DoJ) na tututok sa extradition ni Aman Futures Founder Manuel Amalilio, na nananatiling nakapiit sa Malaysia.


Kasabay nito ay itinakda na rin ang petsa para sa pagpunta ng DoJ team sa Malaysia.



Kasama ni DoJ Undersecretary Jose Vicente Salazar na pupunta sa nasabing bansa sina Prosecutor General Claro Arellano, Chief State Counsel Ricardo Paras, State Counsel Mildred Bernadette Alvor, State Counsel Ma. Laureen Suan, Prosecutor Atty. Mark Estepa at ProsecutorAtty. Gail Stephanie Maderazo.


Magmumula naman sa United Nations Development Program Index ang allowance ng nasabing grupo na base na rin ipinalabas na Department Order No. 127, kung saan nakapaloob dito na kinakailangang magsumite ang grupo ng ulat limang araw pagkabalik mula sa Malaysia.


Una nang naantala ang biyahe ng DoJ team dahil wala sa Kuala Lumpur ang Attorney General ng Malaysia na si Tan Sri Gani Patail, na una nang nag-utos na isailalim sa freeze order ang mga ari-arian ni Amalilio sa Malaysia. – Beth Camia





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/doj-extradition-team-papuntang-malaysia/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment