Thursday, February 28, 2013

Hibbert, Lee, pinatawan ng suspensiyon

NEW YORK (AP)­ – Kapwa pinatawan ng isang larong suspensiyon na walang bayad ang manlalaro ng Pacers na si Roy Hibbert at David Lee ng Warriors matapos pag-ugatan ng away sa loob ng court na umabot hanggang sa courtside.



Tatlong iba pang manlalaro ang pinagmulta dahil sa insidente na nangyari sa fourth quarter mula sa 108-97 panalo ng Indiana sa kanilang bakuran kontra Golden State.


Napatalsik si Hibbert dahil sa gulo na nag-umpisa nang magtulakan sila ni Lee sa ilalim ng basket matapos ang isang mintis sa basket.


Sinabi ng NBA kahapon na ang mga player ng Warriors na sina Stephen Curry at Klay Thompson at Lance Stephenson ng Pacers ay pinagmulta ng tig-$35,000 sa pagsali sa away.


Hindi nakapaglaro si Lee kahapon sa laro ng Golden State kontra sa dating koponan na New York Knicks. Ayon kay coach Mark Jackson, siya ay nasorpresa sa ipinataw na parusa.


‘’Didn’t think he deserved it. The league made a decision, we don’t agree with it,’’ pahayag ni Jackson. ‘’We’re a no-excuse basketball team, the mission remains the same. The New York Knicks are our opponent and we will act accordingly.“


`’But I do not agree with the decision and I mean, I’m sure the film doesn’t, either.”


Si Draymond Green ang pansamantalang humalili kay Lee na nawalan ng mahigit $115,800 na kita dahil sa suspensiyon.


Hindi naman makapaglalaro si Hibbert sa home game ng Indiana laban sa Los Angeles Clippers, habang $124,000 naman ang kitang nawala sa kanya.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/hibbert-lee-pinatawan-ng-suspensiyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment