Ang pagkakalagda ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 ay katuparan ng pangarap ng mga biktima ng karapatang pantao. Ang naturang landmark legislation ay naglaan ng P10 bilyon para sa 10,000 claimant na pawang dumanas ng katakut-takot na pagdurusa noong martial law. TInataya na ang mga biktima ng human rights ay tatanggap ng P500,000 bawat isa pagkatapos na sila ay sumailalim ng mahabang proceso.
Ang nabanggit na halaga ay bahagi ng sinasabing ill-gotten wealth ng pamilya ni Presidente Ferdinand Marcos Sr. na nakumpiska ng gobyerno sa Swiss banks. Manggagaling din yata rito ang gugugulin sa implementasyon ng mga programa sa land reform na malaon na ring inaasam ng mga magbubukid. Maaaring sila ay hindi human rights victims, subalit karapatan din nila na masayaran ng nabanggit na ninakaw na kayamanan ng mga Marcos.
Sa bahaging ito ay maitatanong: May kianlaman pa ba ang Marcos family sa mga ari-arian na saklaw ng kompensasyon sa mga biktima ng martial law? Marami ang naniniwala na labas na sa isyung ito ang mga kaanak ng yumaong Pangulo.
Walang kagatul-gatol ang pahayag ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr: “Wala na. It has nothing to do with us at this time anymore because the judgement has been made against us and our position has been very clear. The government has confiscated the assets, its up to the government to dispose of them as they see it fit.”
Sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), matagal nang nakumpiska ang nabanggit na mga ari-arian ng Marcos family. Hindi na dapat makialam ang nasabing pamilya sa pamamahagi ng naturang ill-gotten wealth. Ganito rin ang paninindigan ng iba pang miyembro ng pamilya ng Senador — sina First Lady Imelda R. Marcos na ngayon ay Ilocos Norte Congressowman at Ilocos Norte Governor Imee Marcos-Manotoc; wala na silang legal personality upang makialam sa nabanggit na isyu.
Dapat na lamang tiyakin ng administrasyon ang pantay at makataong paglaan ng benepisyo para sa mga human rights victims upang ito ay hindi mabahiran ng mga alingasngas.
Related Posts:
- Sen. Bongbong Marcos sa human rights compensation: Labas…
- HR Victims Reparation Act, lalagdaan
- Sugat na idinulot ng Martial Law, maghihilom na Pangulong…
- Human rights victims, babayaran na
- Pekeng human rights claimant, iimbestigahan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/katuparan-2/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment