Wednesday, February 27, 2013

Viloria, Casimero, Nietes, Jaro, pararangalan

Apat na Filipino prize fighters ang tahimik na nakapagdeliber ng malalaking bigwas noong nakaraang taon, nakatulong upang maibsan ang pait na naranasan ni ring legend Manny Pacquiao.


Naisakatuparan nina Brian Viloria, Johnriel Casimero, Donnie Nietes, at Sonny Boy Jaro ang malaking tagumpay nang kamkamin ang kanilang mga world title quests noong 2012, ang taon na mas maaalala ang pag-angat ni Nonito Donaire Jr. at pagbagsak naman ni Pacman.



Sa pagkubra ng kanilang mga tagumpay, pararangalan sina Viloria, Casimero, Nietes, at Jaro bilang co-winners ng professional Boxer of the Year sa gaganaping 2 oras at prestihiyosong PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa makasaysayang Manila Hotel ballroom.


“They all deserve to be feted and share the spotlight when we honor the big achievers of 2012 in two weeks time,” pahayag ni PSA president Rey Bancod ng Tempo matapos ang board meeting.


Sa kanyang napakahusay na achievement sa taon na kanyang naidepensa ang tatlong titulo bilang kasalukuyang kampeon, pinangalanan si Donaire bilang isa sa apat na winners ng highly-coveted Athlete of the Year award na ipinagkakaloob taun-taon ng pinakamatandang asosasyon ng media practitioners sa bansa.


Si Josie Gabuco, ang unang Filipina na nagwagi ng world title sa amateur boxing, ang multi-titled Ateneo Blue Eagles, at world champion Manila women’s softball squad, ang makakasama ni Donaire sa top award dahil na rin sa tagumpay na kanilang naiambag sa local sports noong nakaraang taon.


Maraming iba pa na kahalintulad nina pro cager Mark Caguioa, jockey Jonathan Hernandez, pro golfer Tony Lascuna, horse Hagdang Bato, amateur cager Bobby Ray Parks, at amateur golfer Dottie Ardina ang pagkakalooban rin ng parangal sa okasyong sinuportahan ng Philippine

Sports Commission, Globalport 900, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, Smart, LBC, Senator Chiz Escudero, at ICTSI at Philippine Golf Tour.


Sinabi ni Bancod na ang board ay kasalukuyang nasa proseso sa pagpipinal ng listahan ng awardees, kasama na ang recipients ng Antonio Siddayao plum, citations, at iba pang special awards na kahalintulad ng National Sports Association of the Year.


Napasakamay ng 31-anyos na si Viloria ang world flyweight titles matapos ang sensational 10th round knockout win kontra kay Mexican Hernan “Tyson” Marquez noong Oktubre sa Los Angeles.


Kahalintulad ni Viloria, dumanas rin ng kahirapan si Casimero bago naisakatuparan ang tagumpay. Napanatili nito ang kanyang IBF junior fly championship makaraang split decision win laban kay Pedro Guevarra sa Sinaloa, Mexico noong Agosto, naging matatag sa huling bahagi ng rounds upang maisalba ang matinding bakbakan.


Sa panalong binigyan merito sa mga naglalakihang pahayagan dito at sa ibang bansa, sinugod si Casimero ng mga galit na panatiko sa kanyang korner matapos na umiskor ng sorpresang 10th round TKO victory laban sa dating Argentine world titlist na si Luis Lazarte. Napagwagian nito ang interim IBF junior fly crown sa Mar de Plata, Argentina noong Pebrero.


Umakyat rin si Nietes sa rurok ng tagumpay nang mapanatili ang kanyang WBO light-flyweight crown matapos ang decisive win kontra kay Felipe Salguero sa Resorts World Hotel sa Pasay City noong Hulyo.


Para naman kay Jaro, ikinasa nito ang isa sa pinaka-stunning upsets sa kasaysayan ng boxing history nang magwagi ito ng sixth round knockout kay legendary Thai fighter Pongsaklek Wonjongkam upang mapasakamay ang WBC flyweight title sa siyudad ng Chonburi, Thailand.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/viloria-casimero-nietes-jaro-pararangalan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment