Ni Kristina Maralit
Walang espisipikong panuntunan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) hinggil sa mga kasong may kinalaman sa paggamit ng droga at iba pang kaso sa ipinagbabawal na gamot at ipinauubaya na lamang sa mga miyembro nila ang pagpapataw ng anumang kaparusahan sa mga studentathlete na madadawit sa anumang insidente.
Inaresto kamakalawa ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Station ang mga manlalaro ng Far Eastern University na sina Anthony Hargrove at Adam Mohammed sa panulukan ng G. Tuazon at Nicanor Reyes malapit sa unibersidad.
Ayon kay Police Superintendent James Afalla, station commander ng MPD-Sampaloc Station 4 nakumpiska nila mula kina Hargrove at Mohammed ang isang nasindihan nang sigarilyo at selyadong pakete na naglalaman ng mga tuyong dahon na pinaghininalaang marijuana.
Dagdag ni Afalla, pormal na nilang sinampahan ng kaso sina Hargrove at Mohammed, kapwa 22 anyos, sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.
Sa panayam ng website na SPIN.ph kay UAAP secretary-treasurer Junel Baculi noong Miyerkules, sinabi nito na hindi makikiaalam ang liga sa gusot na kinasasangkutan ng mga player.
“Wala kaming rules sa ganoon because it’s purely an internal matter,“ pahayag ni Baculi, nagsisilbi rin bilang head coach ng GlobalPort sa Philippine Basketball Association (PBA). “FEU na ang bahala diyan.“
Wala pang ipinalalabas na pahayag ang mga opisyal ng FEU, partikular ang UAAP Board representative na si Anton Montinola hinggil sa isyu.
Related Posts:
- FEU players, kalaboso sa marijuana
- Mga laro sa UAAP, sinuspinde
- Junior players, ipinahiram ng UAAP
- Makabagong teknolohiya, gagamitin ng NU
- UAAP “residency rules”, posibleng baguhin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/feu-players-sinampahan-ng-kaso/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment