Tinawag na iyakin ni Team Pnoy spokesman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang United Nationalist Alliance (UNA) dahil sa naging reaksiyon nito sa lumabas ang survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan siyam na Team Pnoy candidate ang pasok kontra sa tatlo ng oposisyon.
“When UNA was doing well in recent opinion surveys, it celebrated and was quick to praise the survey firms to high heavens. Now that Team PNoy candidates are dominating, it is questioning the same surveys, protesting and making lies and unfounded accusations,” paliwanag ni Evardone.
Sinabi pa nito na ang dapat gawin ng UNA ay tingnan kung ano ang kanilang mga pagkakamali kaya bumulusok ang mga kandidato nito.
Aniya ang ganitong uugali ay patunay lamang ang kawalan ng direksiyon ng UNA dahil sa halip na mag-analisa ay pamumuna pa ang ginagawa.
“It’s totally absurd and childish,” dagdag ni Evardone.
Dinagdag pa ni Evadone na kaya namamayagpag ang Team Pnoy dahil na rin sa maayos na plataporma kontra sa UNA na walang malinaw na paksa o agenda. – Leonel M. Abasola
Related Posts:
- ‘Cory Magic’ epektibo pa – Drilon
- UNA kay Evardone: Shut up!
- Endorsement ni PNoy, normal lang
- LP: Wala kaming kinalaman d’yan
- LP Advertisement: Showbiz ang dating
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/una-iyakin-sa-survey-%e2%80%93-evardone/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment