Wednesday, February 27, 2013

Pinoy journalist, dinampot sa Sabah

Nanawagan ng transparency mula sa pamahalaan ng Malaysia ang iba’t ibang media rights group sa Southeast Asia kaugnay sa pagkakadetine umano ng mga mamamahayag ng Al Jazeera na nagko-cover ng standoff sa Lahad Datu, Sabah kung saan naiipit ang isang grupo ng mga Muslim na Pilipino.



Sa isang joint statement, giit ng Centre for Independent Journalism sa Malaysia, Centre for Media Freedom and Responsibility sa Pilipinas at Southeast Asian Press Alliance secretariat sa Bangkok na mahalaga sa mga mamamahayag na mapanatiling ligtas sa pagkuha ng tamang impormasyon sa nangyayaring standoff sa Sabah.


Dumating ang mga mamamahayag ng Al-Jazeera sa Sabah noong Pebrero 19 kaugnay sa standoff sa pagitan ng Royal Sulu Sultanate Army at puwersa ng Malaysia na nagsimula noong Pebrero 14.


Ayon sa media rights group, inaresto ang mga news crew – na kinabibilangan ni senior Asia correspondent Steve Chao, producer Jamela Alindongan at cameraman Mark Giddens sa karagatan ng Tanjung Labian bago inilipat ang mga ito sa isang himpilan ng pulisya.


Ilang oras umanong pinagtatanong si Alindongan, isang Pinay na nagtatrabaho sa Al Jazeera English Network na nakabase sa Kuala Lumpur, kung siya ay may kaugnayan sa Royal Sulu Sultanate Army sa kabila nang ilang ulit na pagpapakita nito ng kanyang press ID. – Roy C. Mabasa/Manila Bulletin





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/pinoy-journalist-dinampot-sa-sabah/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment