Thursday, February 28, 2013

TOURISM SECTOR GENERATES HIGH EMPLOYMENT

Bukod sa manufacturing sector, ang tourism sector ay isa sa mga area na pinapalagay ng gobyerno na lilikha ng maraming trabaho. Ang pagdagsa ng mga turista sa bansa ay nangangahulugan ng mas maraming trabaho para sa mga porter, driver, at mga vendor ng souvenir items, at marami pang iba. Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na lilikha ito ang pitong milyong bagong trabaho sa industriya ng turismo sa matapos ang termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III.



Ang National Tourism Development Plan (NTDP), na inilunsad ng DOT noong Mayo 3, 2012 ay isang P265-bilyong programa na may layuning matamo ang 10 milyong international tourist arrival at 35.5 milyong domestic traveler pagsapit ng 2016.


Magtatrabaho ang gobyernong kasama ang pribadong sektor sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) upang matamo ang inaasinta ng NTDP. Sa ilalim ng PPP, ang mga investment ay ibubuhos sa mga bagong hotel, resort, shopping mall, mga leisure at entertainment facility, sa kalusugan pati na rin sa cruise at transport facility.


Ang latest development ay ang pagiging punong-abala ng bansa ng 20th Travel Tour Expo sa pangunguna ng Philippine Travel Agencies Association noong Pebrero 17, 2013. Upang mangyari ang pananaw nito ng pag-akit ng mas maraming turista na bibista sa Pilipinas, naglunsad ang DOT noong Enero 5, 2012 ng “It’s More Fun in the Philippines“ tourism campaign.


Binabati natin ang pamahalaan ng Pilipinas sa pangunguna nina Pangulong Benigno S. Aquino III at Department of Tourism Secretary Ramon R. Jimenez Jr. sa pagtataguyod ng turismo bilang pangunahing aktibidad pang-ekonomiya upang mapalago ang foreign currency at hanapbuhay at maipamahagi ang pakinabang ng turismo sa sektor ng publiko at pribado sa ating bansa. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/tourism-sector-generates-high-employment/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment