Thursday, February 28, 2013

PRODUKTONG PETROLYO

Piso bawat litro kung magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis ng kanilang produkto, pero barya naman kung sila ay magbaba. Umabot na sa mahigit limampu’t pitong piso bawat litro ang itinaas nila ngayon sa gasolina. Wala tayong magagawa, sagot ng gobyerno, sa reklamo ng mamamayan, mayroon kasing Oil Deregulation Law. Ganoon pala, bakit ayaw ibasura ng mga nasa gobyerno ang batas na ito para makontrol nila ayon sa interes ng mamamayan ang presyo ng petrolyo? Hindi na siguro dapat, itanong ito dahil ang sagot dito ay siya ring sagot sa tanong kung bakit ayaw nilang gumawa ng batas laban sa political dynasty.


Pero, napakalaki ng kaugnayan ng wala tayong kontrol sa langis sa panguuto sa atin ng mga banyaga na ang bansa raw natin ay “the rising tiger of Asia.“ Ang ekonomiya natin, tulad ng ipinagmamalaki ng mga nasa gobyerno, ay lubos na raw na lumakas. Kahit paano naman ay nakalabas na ako ng ating bansa at narating ko na ang mga karatig-bansa nating maunlad na at umuunlad pa. Bukod sa ako ay matamang nagmamasid sa mga bansang ito, bumibili ako at binabasa ang kanilang mga aklat ukol sa ekonomiya. Karamihan dito ay mga talumpati ng kanilang mga pinuno at polisiyang napakadaling intindihin. Kontrol sa enerhiya ang sinasabing isa sa mga pangunahing susi ng pagunlad dahil ito ang magpapatakbo ng transportasyon at makinarya ng bansa na gagawa ng mga kailangan nito at ng kanyang mamamayan. Ito rin ang kailangan ng mga pabrika, modernong agrikultura at bawat tahanan. Kaya, ang mga maunlad na bansang narating ko ay kung hindi nagmamayari ng enerhiya o langis, sila ang may kontrol nito.


Pilitin ko mang mang maniwala na uunlad at magiging “Tiger of Asia“ ang ating bansa, iilan lang ang makikinabang dito. Ang nakararami sa atin kahit kumikita ay hindi magiging mariwasa at mabubuhay ng disenteng pamumuhay. Barametro kasi ang kanilang kalagayan sa buhay ng mga kumpanya ng langis sa pagprepresyo nila ng kanilang produkto. Kung kaya nating kagatin ang presyo na magpapa-bundat sa kanila, walang atubiling gagawin nila ito. Basta lang ba makahihinga tayo at hindi aalsa tulad ng ginawa ng Sultan ng Sulo at mga dukhang pinasok ang tanggapan ng DSWD sa Davao.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/produktong-petrolyo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment