Wednesday, February 27, 2013

Benedict, tatawagin nang ‘emeritus pope’

VATICAN CITY (AP) – Dalawang pontiff, kapwa nakasuot ng puti, ang tatawaging “pope” at namumuhay nang ilang hakbang lamang ang distansiya sa isa’t isa, na may parehong pangunahing aide na nagsisilbi sa kanila.


Inanunsiyo ng Vatican noong Martes na si Pope Benedict XVI ay kikilalaning “emeritus pope” sa kanyang pagreretiro ngayong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), ay tatawaging “Your Holiness” at magpapatuloy sa pagsususot ng puting cassock na iniuugnay sa papacy.



Sinabi ni Vatican spokesman, si Rev. Federico Lombardi, na mismong si Pope Benedict, 85, ang nagdesisyon sa kanyang pangalan at sa kasuotan matapos ang konsultasyon sa iba pa, pinili ang “Your Holiness Benedict XVI” at “emeritus pope” o “emeritus Roman pontiff.”


Ang pinagkakatiwalaang kalihim ni Pope Benedict, si Archbishop Georg Gaenswein, ay kapwa pagsisilbihan ang dalawang pontiff — maninirahan kasama si Pope Benedict sa monasteryo sa loob ng bakuran ng Vatican habang pananatilihin ang kanyang trabaho bilang prefect ng tahanan ng bagong papa.


Sinabi ni Lombardi na ang pagpupulong ng College of Cardinals na magdedesisyon sa petsa ng conclave na pipili sa susunod na papa ay magsisimula sa Lunes.


At pagsapit ng 8 p.m., (3:00 a.m., Biyernes sa Manila) ang eksaktong oras na magiging opisyal ang kanyang pagreretiro, ang Swiss guards na nakatayo sa labas ng pintuan ng palazzo sa Castel Gandolfo ay aalis na sa kanilang duty, tapos na ang kanilang serbisyo sa pagpoprotekta sa pinuno ng Simbahang Katoliko.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/benedict-tatawagin-nang-emeritus-pope/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment