Wednesday, February 27, 2013

VP Binay target ng demolisyon

Naglabas ng saloobin si United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Nancy Binay kaugnay sa mga personal na pag-atake ng mga tinaguriang “political operator” sa kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay upang lalong mahila pababa ang kanyang rating survey sa May 2013 elections.



“I hope they will just allow us to talk to the people about issues. Please don’t hit my father just to bring me down in the surveys. Sana itigil na nila ang mga paninira sa aming magulang dahil hindi naman sila ang kandidato,” sabi ni Nancy Binay.


Bagamat nagpapasalamat sa pinakahuling survey, si Nancy, panganay na anak ng Vice President, ay naalarma sa muling “pambabato ng putik” at personal na pag-atake lalo sa kanyang ama.


“Bilang anak, nasasaktan ako sa ginagawa nila sa aking ama,”giit nito.


Aniya, ang Vice President ang may pinakamataas na trust at approval rating sa lahat ng mga opisyal sa gobyerno subalit ang paninira sa kanyang ama ay mas lumaki pa matapos na mapabilang siya sa senate ticket ng UNA.


Binigyang diin ni Nancy hindi rin pinaligtas sa personal na pag-atake sa iba pang lider ng UNA na sina dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile upang tangkaing pabagsakin naman ang ratings ng mga kandidato ng partido.


Sa huling resulta ng SWS survey, nasa ikapitong puwesto si Nancy Binay na labis nitong ipinagpasalamat kasabay ng pahayag nitong marami pang dapat gawin.


“I am very grateful for the support. For me personally, the surveys serve as a guide for planning. The true test of support for a candidate is the turnout and the reception given to us during our sorties to the provinces. And so far, UNA has garnered large crowds wherever we go, despite the warning given to local officials not to host us when we visit,”pahayag ni Nancy. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/28/vp-binay-target-ng-demolisyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment