Thursday, February 28, 2013

Summer season, papasok na – PAGASA

Pinayuhan ng pamahalaan ang publiko na asahan ang matinding init ng panahon sa susunod na buwan.


Ito ay nang ihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na iiral na ang summer season o tag-init sa pangalawang linggo ng Marso.



Ginamit na dahilan ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, ang unti-unting paghupa ng northeast monsoon o hanging amihan na nanggagaling sa hilagang silangan ng bansa.


Aniya, kapag ganito ang nararanasang panahon ay isa rin ito sa indikasyon ng pagsisimula ng summer season sa bansa.


Kasabay aniya ito ng paglakas ng easterly wind o mainit na hanging nanggagaling sa Pacific Ocean.


Ayon pa sa PAGASA, posible ring maramdaman sa susunod na buwan ang below 40 degrees Celsius.


Sa rekord ng PAGASA, huling naramdaman ang pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng bansa sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley noong Mayo 11, 1969 kung saan pumalo ito sa 42.2 degrees Celsius habang sa Metro Manila naman ay naitala ang hottest weather na 38.5 degrees Celsius noong Mayo 14, 1987. – Rommel P. Tabbad





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/summer-season-papasok-na-%e2%80%93-pagasa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment