Huwag asahan ang maraming shuffleboard games para sa dating Bishop of Rome, Successor of St. Peter, Head of the College of Bishops, Vicar of Christ, at Pastor of the Universal Church: Pope Benedict XVI.
Sa pagsapit ng 8:00 ng gabi sa Rome noong Huwebes (3:00 ng madaling araw sa Pilipinas) opisyal nang nagretiro si Pope Benedict, ang unang papa na gumawa nito sa nakalipas na 600 taon. At dahil walang mga modernong gabay, ang lahat ng kanyang gagawin ay magiging una ito para sa 21st century papal retiree.
Sinabi ng Vatican na pananatilihin niya ang pangalang Benedict XVI at tatawagin pa ring “his holiness“. Kikilalanin siyang pope emeritus, emeritus pope o Roman pontifex emeritus. Huhubarin na niya ang kanyang ornate papal wardrobe at elbow-length cape, tinatawag na mozzetta, para palitan ng simpleng puting cassock. Ireretiro na rin niya ang kanyang mga pulang sapatos na papalitan ng simplent puting cassock. Ireretiro na rin niya ang kanyang mga pulang sapatos na papalitan ng isang pares na brown na nakuha niya sa kanyang biyahe sa Mexico noong nakaraang taon.
Sa kanyang paglisan sa Rome, mananatili muna ang 85-anyos na papa sa papal seaside retreat, ang Castle Gandolfo, hanggang sa mapangalanan ang kanyang kapalit. At tutungo sa Mater Ecclesiae (Mother of the Church) building, na dating kumbento ng mga madre sa Vatican gardens, ang kanyang magiging bagong tahanan.
Ang Mater Ecclesiae ay “very small” at “very hot,” paglalarawan ni Sister Ancilla Armijo ng Benedictine Order sa Abbey of St. Walburga sa Colorado. “There’s no trees shading it. I think it’ll work for him if they have air conditioning for him.”
Ang mga pader nito ay simple at puti lamang. Wala itong artistic treasures gaya ng masterworks na Pieta sculpture ni Michelangelo sa St. Peter o ng Last Judgment painting sa Sistine Chapel.
Sa chapel ang papa ay maaaring magdaos ng misa arawaraw para sa kanyang maliit na tahanan, sinabi ni Monsignor Rick Hilgartner, executive director ng U.S. Conference of Catholic Bishops’ Secretariat of Divine Worship. – CNN News
Related Posts:
- Benedict, tatawagin nang ‘emeritus pope’
- Bagong buhay pagkatapos ng pagreretiro
- Pope Benedict: Salamat sa inyo
- Paano pinapangalanan ang isang ‘Pope’?
- ‘Last pope’ scenario, ‘di totoo
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/01/nagretirong-benedict-paano-ang-buhay/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment