Monday, February 25, 2013

Abalos, back-to-back champion

Tinanghal na back-to-back champion si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur“ Abalos Jr. matapos sungkitin ng kanyang alagang Cat’s Silver ang 2013 Leopoldo “Leo” Prieto II para sa 3-Year-Old Fillies at El Libertador sa Leopoldo “Leo” Prieto III para naman sa 3-Year -Old Colts na ginanap sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas noong Linggo.



Lumikha ng ingay mula sa publikong karerista ang pagsungaw ng Cat’s Silver sa huling kurbada para agawin ang unahan sa banderang Sparkling Rule ni Hermie Esguerra.


Sa patnubay ni PSA Jockey of the Year Jonathan Hernandez, mula sa ikalawang puwesto sa simula ng karera, matulis na remate ang ibinigay nito sa Cat’s Silver upang sungkitin ang titulo ng Prieto II.


Ang Cat’s Silver ay naorasan ng 1 minuto at 4 segundo sa distansiyang 1,600 meters.


Naging mahusay ang paghahandang ginawa ni horse trainer CC Angeles para sa Cat’s Silver na inihahanda naman sa nalalapit na Chairman’s Cup sa Marso at 2013 Triple Crown.


Binigo din ni jockey Hernandez ang mga kalaban sa Colt division ng Prieto III nang ihatid nito sa finish line ang El Libertador sa isang matulis na remate para biguin ang pumangalawang Señor Vito.


Ang tigasing El Libertador ay naoras sa bilis na 1 minuto at 6 segundo na mas mabagal sa tiyempong naitala ng Cat’s Silver kung saan ay inihahanda din sa nalalapit na 2013 Triple Crown Championship.


Ang Cat’s Silver at El Libertador ay kabilang sa mga nagwagi sa Sweepstakes Special Maiden race ng PCSO kasama ang Never Cease at Bump Ride na pawang palahi ni Mayor Abalos.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/abalos-back-to-back-champion/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment