Mula sa pananamlay, naging matagumpay ang career ni Bryan Termulo noong 2012. Naka-Gold siya sa pag-awit ng Dadalhin (dating pinasikat ni Regine Velasquez) na ginamit sa hit teleseryeng Walang Hanggan, kaya biglang naging visible si Bryan sa music at TV scene.
Inamin ng tinagutariang Prince of Teleserye Theme Songs na ang paglipat niya sa Kapamilya Network ang isa sa pinakamagagandang desisyong ginawa niya sa kanyang buhay.
“Actually po talaga, dream network ko po ang ABS-CBN. Basta po gusto ko po talaga either a reality show or singing,” sabi ni Bryan.
Nag-audition siya para sa Star Circle Quest Batch 2 ngunit hindi siya nakaabot sa live show. Nagbalik siya dala ang kanyang recording album para iparinig kung maaaring magamit sa teleserye. Hindi siya nagkamali dahil ginamit nga ang kanyang single na Bihag sa 100 Days.
Agad na siya napahanay sa mga sikat na singer sa Walang Hanggan Official Sound Track, gaya nina Gary Valenciano, Angeline Quinto at Martin Nievera. At pakiramdam ni Bryan ay natamo na niya ang respeto at pagkilalang ilang taon na rin niyang pinakahihintay.
Ngayon, sa release ng kanyang ikalawang album na Bryan Hanggang Ngayon, sinabi ng Star Magic singer na pawang mahalaga sa kanyang puso ang walong awiting nilalaman nito, at may sulat-kamay pa nga siya ng printed lyrics ng mga kanta.
“’Yung packaging parang post card sa likod, sa harap po ‘yung lyrics na handwritten ko, eight ‘yun with pics and lyrics. So parang magde-depend on the mood of the listener, tapos sila ng bahala kung saan nila ipapadala.”
Hiniling din niya sa Star Records na isama ang mga awitin niyang Dadalhin at Hanggan Ngayon bilang bonus tracks.
Ang Bryan Hanggang Ngayon ay produced ng BWB Records & Music Production Inc. at distributed ng Star Records.
Bukod sa pag-awit, aktibo rin sa pag-arte si Bryan; gaganap siya bilang mayamang binata sa Against All Odds na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Bagamat aminadong ninenerbiyos, sinabi ni Bryan na handa na siyang makipagsabayan kina Empress at Joseph Marco sa isang love triangle.
Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, handog ni Bryan sa kanyang fans ang kanyang unang solo concert sa Music Museum sa Marso 9, 8:00 ng gabi. May titulong Bryan Termulo XXV, aawitin ni Bryan ang kanyang mga pinasikat na kanta, at special guests niya sina Liezel Garcia, Bugoy Drilon, KZ Tandingan at Melai Cantiveros.
Incoming search terms:
Related Posts:
- Bryan, sumisikat na sa Dos; Angeline, hottest sa fans day
- Sam Milby, balik-ASAP na
- ‘Walang Hanggan,’ talo ang pelikula
- Richard-Dawn, may bagong project
- Gary V., pressured na ngayon sa tawag na ‘Mr. Energy
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment