Tuesday, February 26, 2013

Conclave: Bago ang ‘Habemus Papam’

(Huling bahagi)


VATICAN CITY (AP) – Kapag naisagawa na ang final oath, ang master of liturgical ceremonies ay magbibigay ng utos na “Extra omnes” (lumabas ang lahat) at ang lahat na hindi kasali sa conclave ay aalis sa frescoed walls ng chapel.



Ang matandang cardinal, mahigit 80 at hindi na maaaring makibahagi, ay mananatili at magbabasa ng meditation tungkol sa mga katangian na dapat taglayin ng isang papa at ang mga hamong kinakaharap ng simbahan, pagkatapos nito siya at ang master of ceremonies ay iiwanan ang mga cardinal para simulan na ang pagboboto.


Sa Unang Araw, isang round ng botohan ang gagawin; pagkatapos nito ang mga cardinal ay boboto ng dalawa sa umaga, dalawa sa hapon hanggang sa magkaroon ng panalo. Kailangan ang two-thirds ng majority.


Ang bawat cardinal ay isusulat ang kanilang napili sa isang papel na may nakasulat ng mga katagang “Eligo in summen pontificem,” o “I elect as Supreme Pontiff.” Isa-isa silang lalapit sa altar at sasabihing: “I call as my witness, Christ the Lord who will be my judge, that my vote is given to the one who, before God, I think should be elected.”


Ang nakatuping balota ay ilalagay sa isang bilog na plato at ihuhulog sa isang oval urn. Matapos bilangin ang mga boto at maihayag ang mga resulta, ang mga papel ay itataling magkasama gamit ang karayom at sinulid, ang bawat balota at bubutasin sa salitang “Eligo.” At pagkatapos ay susunugin kasama ang isang kemikal upang maglabas ng itim na usok (ibig sabihin ay walang napili) o puti (ibig sabihin ay may napili) sa labas ng chimney ng Sistine Chapel.


Noong Abril 19, 2005, isang nabiglang Ratzinger ang tumanggap ng renda at dinala sa side room upang magpalit sa puting vestments ng papacy. Kasama nito ang scarlet cassock; nasa ilalim ang mas simpleng itim na clerical garb ng isang cardinal.


“Naturally the pope couldn’t change completely at that moment, so he went out with those black sleeves — we could see his sweater!” pagbabaliktanaw ni Marini. “But even that was a human gesture of how he was dressed as a cardinal.”


Sinamahan ni Marini si Ratzinger sa loggia ng basilica na nakatanaw sa St. Peter’s Square kung saan inanunsiyo ng cardinal ang “Habemus Papam” (We have a pope) sa libu-libong tao sa ibaba. Inanunsiyo ng cardinal ang pangalan ni Ratzinger sa Latin, at kasunod ay binitawan ni Benedict ang kanyang mga unang salita sa publiko bilang papa, sinabing siya ay isa lamang “simple, humble worker in the vineyard of the Lord.”


Binigyang diin ni Marini ang unang pagharap ng bagong papa sa kanyang flock ay nagsimula pa sa matandang tradisyon na ang bishop of Rome ay hinahalal ng mamamayan.


“This appearance by the pope on the balcony, the applause and cheers of joy that erupt when he comes out,” aniya, “in some way represents the Roman people accepting their pope.”


Isa ito sa pinamaktibay na simbolo ng isang hitik sa tradisyon na conclave.


“A religion relies on its customs and practices,” sabi ni Monsignor Kevin Irwin, dating dean of theology sa Catholic University of America at professor of liturgy. “This is not like putting up posters and getting a poll of who is winning. This is an act of God.”


MAAGANG CONCLAVE

Naglabas si Pope Benedict XVI noong Lunes ng kautusan na nagpapahintulot sa mga cardinal na paagahin ang conclave na maghahal at ng kanyang kapalit.


“I leave the College of Cardinals the possibility to bring forward the start of the conclave once all cardinals are present,” sabi ng papa.


Ang conclave ay tradisyunal nang isinasagawa 15 hanggang 20 araw matapos mabakante ang papal seat.


Sinabi ni Vatican spokesman Federico Lombardi na ang mga cardinal na sisimulan ang mga pagpupulong para talakayin ang upcoming conclave sa Biyernes ay maaaring magkasundo sa petsa “in the very first days of March”. – AFP





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/conclave-bago-ang-habemus-papam/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment