Tuesday, February 26, 2013

Federer, umentra sa ikalawang round

DUBAI(Reuters) – Sorpresang sumadsad si Roger Federer sa unang set laban sa ‘di gaanong kilala na si Malek Jaziri bago pinigilan ang Tunisian mula sa 5-7, 6-0, 6-2 win upang umentra sa ikalawang round ng Dubai Championships.



Hindi pa nakapaglaro si Jaziri, ranked 128th sa world, sa ATP Tour sa loob ng anim na buwan ngunit ‘di siya napigilan upang tangayin ang unang set mula sa 17-times grand slam champion.


Habang pinapanood ang Swiss na si Federer matapos humulagpos ang tatlong break points sa opening set, ‘di

makapaniwala si Jaziri nang hatawin ng kanyang kalaban ang bola patungo sa net upang ilapit ang iskor sa 5-6.


Siniguro ni Jaziri, 29-anyos, na ‘di masasayang ang kanyang pinaghirapan sa first set nang isagawa nito ang riproaring backhand sa linya para sa panalo habang iniwan nito si Federer na flatfooted at nanlulumong fans na inakalang mangyayari ang night-time upset.


Subalit, nang pasimulan ni Jaziri ang magandang laro at umaasang matatalo ang isang kampeon na kahalintulad ni Federer, brutal na dumausdos ang mga pangarap nito nang magsimula nang bumalikwas ang

second seed mula sa mga matitinding hataw nito sa sumunod na dalawang sets.


Sa kapareho ring low-key opening day, pinataob ni seventh seed Andreas Seppi si Frenchman Paul-Henri Mathieu, 6-3, 7-5, habang inungusan ni Russian eighth seed Mikhail Youzhny si Slovenia’s Blaz Kavcic, 1-6, 6-1, 6-3.


Nasa aksiyon si top seed Novak Djokovic sa Day One kasama ang kanyang kapatid na si Marko ngunit ang kanilang doubles adventure ay natapos sa round one. Nabigo sila via 4-6, 6-3, 10-4 iskor nina Nikolay Davydenko at Dick Norman.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/federer-umentra-sa-ikalawang-round/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment