Tuesday, February 26, 2013

Fisher, lumagda sa Oklahoma City

OKLAHOMA CITY (AP)­ – Pinapirma ng Oklahoma City Thunder ng kontrata si Derek Fisher kahapon upang punan ang puwang sa posisyon ng point guard na iniwan ni Eric Maynor nang mai-trade ito sa Portland.


Ito ang ikalawang beses na maglalaro si Fisher para sa Oklahoma City. Sumabak siya ng 20 laro sa regular season at 20 laro sa playoffs noong nakaraang taon. Sandali siyang sumabak para sa Dallas Mavericks ngayong season bago humingi ng release noong Disyembre matapos mapinsala ang kanyang kanang tuhod.



Nanalo ng limang titulo sa NBA si Fisher kasama ang Los Angeles Lakers bago na-trade sa Houston noong huling season at piniling ibuy out ang kanyang kontrata mula sa Rockets bago napunta sa bakuran ng Thunder.


Siya rin ang pinuno ng NBA Players Association na kamakailan ay pinatalsik si Billy Hunter bilang executive director.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/fisher-lumagda-sa-oklahoma-city/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment