Monday, February 25, 2013

Is 1:10, 16-20 Slm 50 Mt 23:1-12

Sinabi ni Jesus: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawit sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga.


PAGSASADIWA

Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi pero huwag silang pamarisan. Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ay ang mga taong mahigpit na sumusunod sa Batas. Walang sanang masama sa kanilang gawain dahil ito ang kanilang daan tungo sa Diyos. Kaya nga lang, natukso silang magmalaki. Ang kanilang pagiging sobrang matuwid upang mapalapit sa Diyos ay siya namang dahilan upang mapalayo sila sa tao. Dahil sa kanilang pagmamalaki lalo lang silang napalayo sa Diyos; at ang taong dapat nilang gabayan ay lalo lang naligaw palayo sa Diyos. Alalahanin ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga Pariseo: “Huwag silang pamarisan.“





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/26/is-110-16-20-slm-50-mt-231-12/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment