Tuesday, February 26, 2013

NATIONAL CIVIL REGISTRATION MONTH 2013

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 682 na inisyu noong Enero 28, 1991, idaraos ang Pebrero ng bawat taon bilang National Civil Registration Month.



Layunin nito ang ipaalala sa taumbayan ng kanilang tungkulin na irehistro ang kanilang status; palawakin ang kaalaman at kahalagahan ng legal, administrative, at statistical na mga dokumento ng civil registry; at bigyang diin ang pangangailangan ng Kongreso na magkaloob ng sapat na pondo para sa pagpapatupad at administrasyon ng mga batas hinggil sa civil registration. Inaatasan ng naturang proklamasyon ang Civil Registrar General na magbalangkas ng mga panuntunan at regulasyon na susundin ng mga lokal na civil registry office sa bansa kaugnay ng mga aktibidad at programa na ipatutupad sa kanilang mga nasasakupan.


Sa temang “Civil Registration, Bringing Public Services Closer to the Public“, ang mga aktibidad ngayong taon ay kinabibilangan ng libreng pagpaparehistro at libre ring pagpapagawa ng mga affidavit at certificate, pagkakaroon ng mobile registration, mga information campaign sa mga barangay at paaralan hinggil sa kahalagaan ng pagpaparehistro at libreng pamamahagi ng mga marriage certificate.


Ang sistema ng Pilipinas sa civil registration ay itinatag noong Pebrero 27, 1931 sa bisa ng Act No. 3753, ang “An Act to Establish a Civil Register“. Layunin ng Act na magkaroon ng tuluy-tuloy at sapilitang pagtala ng mga kapanganakan, kasal at iba pang may kaugnayan sa status ng mga indibiduwal.


Binabati natin ang National Statistics Office sa pangunguna nina Adminstrator and Civil Registrar General Carmelita N. Ericta, Deputy Adminstrator Paula Monina G. Collado, Civil Registration Director Lourdes J. Hufana, General Administration Director Atty. Maribeth C. Pilimpinas, Household Statistics Director Socorro D. Abejo, Industry and Trade Statistics Director Estela T. De Guzman, iba pang opisyal at kawanihan, at hangad natin ang tagumpay ng kanilang pagsisikap. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/national-civil-registration-month-2013/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment