Tuesday, February 26, 2013

Oscar fashion: Armani vs Dior

KALIMUTAN na ang Jessica Chastain vs Jennifer Lawrence. Ang pinakamainit na laban sa Oscars red carpet ay Giorgio Armani vs Dior Haute Couture.


Catherine Zeta-Jones Maaaring angkinin ni Giorgio Armani ang ilan sa mga nagwagi: ito ang nagdamit kina Chastain, Naomi Watts at Quvenzhane Wallis noong nakaraang Lunes. Ang Dior naman ang nagdamit kina Lawrence at Charlize Theron -kapwa spokesmodels -na nakuha ang tamang timpla sa white.



Si Chastain, sa glistening copper-tone strapless gown na may mermaid hem, ay mukhang old-world glamorous movie star, lalo na sa kanyang oversized vintage Harry Winston diamond earrings at bright red lipstick.


“I chose it because to me it was a throwback to old Hollywood,“ aniya. “It’s a very `Happy birthday, Mr. President’ dress.“


Si Naomi ay nakasuot ng gunmetal beaded gown na may geometric cutout sa bodice, gawa rin ng Armani.


Si Quvenzhane (kwuh-VEHN’juh-nay), may silver headband sa kanyang damit at may bitbit na bedazzled puppy purse, ay nakasuot ng Armani Junior navyblue dress na may black, navy and silver jewels na nakakalat sa kanyang skirt at big bow sa likuran. Mayroon siyang isa pang Armani dress, isang pink, na handa para sa afterparty. “I liked it because it was sparkly and puffy.”


Si Lawrence ang belle of the ball sa white-and-pale pink strapless gown na may fitted bustier at poufy hemline, sophisticated pulled-back hair, diamond-ball earrings at delicate long necklace. Si Theron ay sleek sa angular strapless dress na may fashion-right peplum at buzz-cut hairdo.


Sinabi ni Christos Garkinos, longtime red-carpet watcher at may-ari ng Decades vintage store sa Los Angeles, “You could have turned the TV off right when Charlize Theron came on. She was perfect.”


Pero mas interesanteng pagusapan ang mga Jane Fonda at Sally Field ng mundo. Si Fonda ay nakasuot ng bright taxicab yellow Versace at si Sally Field ay naka-bright red.


“Women of a certain age almost gave the feeling that the older you get, the bolder you get,” ani Garkinos.


Si Hal Rubenstein, editor at large ng InStyle magazine, ay humanga sa 86-anyos na si Emmanuelle Riva sa Lanvin.


“Jane Fonda looks amazing because she’s Jane Fonda, but Emmanuelle Riva was so elegant.”


Isa pang look na pinag-usapan ay ang pale pink Prada dress ni Anne Hathaway. Tinawag ni Rubenstein ang damit at ang Tiffany & Co. necklace na “an Audrey Hepburn moment.”


Hindi niya kasing bait si Garkinos. Dahil sa ilang awkwardly placed darts sa bust, sinabi niyang mas mukha itong Gwyneth Paltrow’s big Academy Awards moment, nang isuot nito ang lovely Ralph Lauren pink dress ngunit hindi naging maganda ang fit.


Sinabi ni Anne, bago ang show, na ang damit na may seemingly sweet vibe ngunit may strategically open back at sexy sides, ay last-minute choice. “It fit my mood and place where I’m at right now.”


Tila may dalawang ruta sa red carpet, sabi ni Rubenstein: incredibly beaded at eye-catching, isinuot ni Nicole Kidman sa L’Wren Scott, Halle Berry sa Versace, at Stacy Keibler sa Naeem Khan; o simple color na may great silhouette. Inilagay niya sina Lawrence, Reese Witherspoon sa strapless royalblue Louis Vuitton gown na may black strip at bustline at Jennifer Aniston sa Valentino red strapless gown sa kampong ito.


“For some, there was a pull back to not do a lot, and that’s where fashion is as well,” ani Rubenstein.


Ang metallic halter dress ni Amanda Seyfried gawa ng Alexander McQueen na may keyhole opening ay three months in the making.


Si Kristen Stewart ay nagsuot Kristen Stewart ay nagsuot Kristen Stewart ng mas mapusyaw na blush gown; hand-beaded strapless na may tulle inserts ni Reem Acra. Pinarisan niya ang kanyang gown ng 19th-century Fred Leighton necklace na may 91 graduated diamonds.


Pinili naman ni Jennifer Garner ang violet-colored Gucci na may cascading ruffles sa likod. Ang kanyang 200-carat diamondand-dark platinum necklace mula sa Neil Lane archives ay big statement.


Malakas din ang presensiya ng beaded gowns, isinuot nina Sandra Bullock, sa fully embroidered Elie Saab; Renee Zellweger, sa sleek Carolina Herrera; at Adele sa Jenny Packham. Si Catherine Zeta-Jones ay statuesque sa all gold Zuhair Muhad. Ang white Vneck tank dress ni Queen Latifah na gawa ni Badgley Mischka ay masyadong makinang sa straps.


Ang midnight-blue velvet Alexander McQueen gown ni Salma Hayek ay may gold embellished collar, at may bitbit siyang gold skull box clutch.


Ipinahiwatig ni Helen Hunt ang kanyang konsensiya sa blue column gown. Ito ay mula sa fast-fashion retailer na H&M. Pinili niya ito dahil accessible at naglunsad ang kumpanya ng substantial green initiative. Gayunman, sinamahan niya ito ng daan-daang libong hiram na jewels.


Para sa kalalakihan, ang trend ay beards, kabilang sa kanila sina George Clooney, Bradley Cooper, Ben Affleck at Tommy Lee Jones. (Samantha Critchell, AP Fashion Writer)





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/oscar-fashion-armani-vs-dior/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment