Tuesday, February 26, 2013

Saudi: Amnesty sa undocumented OFWs

Ni Nannet Valle


Inudyukan ng Migrant rights’ group na Migrante-Middle East (M-ME) ang lahat ng overstaying Overseas Filipino Worker (OFW) na nabigong makapagpa-renew ng residence permit na gamitin ang alok na amnesty ng Saudi government.



Sa naganap na forum na inorganisa ng iba’t ibang Saudization committee ng regional governorate, inanunsiyo ni Labor Minister Adel Fakieh ang plano ng gobyerno ng Saudi na linisin ang kanilang labor market. Aniya, lahat ng undocumented foreign worker ay makalalabas ng Kingdom gamit ang exit-only visa na walang kaukulang parusa.


Nabatid na matagal nang tinutuligsa ang cleaning up plan ng Saudi sa labor market mula sa mga may-ari ng pribadong kumpanya at foreign worker hanggang sa magpasiya ang Labor Ministry na pagbayarin sila ng halagang SR 2,400 levy kapalit ng pagkuha ng residence permit para sa mga dayuhang manggagawa na nais pang magrenew ng permit.


Pinuri ni M-ME regional coordinator John Leonard Monterona ang aksiyon ni Labor Ministrer Adel Fakieh na pagbibigay ng amnestiya sa lahat ng undocumented migrant worker na umano’y makatao.


“It will give our fellow expatriates chance to reunite with their loved ones after years of being away from their respective families,” sabi ni Monterona.


Nauna rito, sinabi pa ni Monterona na dati nang aktibo ang kanyang grupo sa pangangampanya para sa repatriation kundi man legalisasyon sa mga undocumented migrants kabilang ang mga OFW.


Nanawagan si Monterona sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh na ayudahan at magtakda ng guidelines sa mga OFW na nais makinabang sa amnesty mula sa Labor Minister.


“The guidelines will help our fellow undocumented OFWs getting out of Saudi Arabia without much hassle and without being penalized. The PH embassy must conduct an information dissemination campaign regarding this,” suhestiyon pa ng Saudibased OFW leader.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/02/27/saudi-amnesty-sa-undocumented-ofws/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment